Chapter 48

2.5K 109 53
                                    


NAGKAMALAY rin si Ate Rizza ngunit hindi pa muna siya inabisuhan ng doktor na umuwi. Marami pa kasing test na gagawin sa kaniya ayon kay Froilan. Para akong nabunutan ng tinik. Inaamin kong lubos na gumaan ang loob ko sa kaalamang ligtas na si Ate Rizza.

Ngunit ang guilt na nararamdaman ko? Hanggang ngayon, narito pa rin. I guessed it would never go away so I'd just have to live with it.

Bumaba na ako matapos ng pagkakaidlip sa kwarto ni Froilan. Hinanap ko siya sa sala ngunit wala siya roon. Nang magawi ako sa garden, doon ko siya namataan na pinapakain ang mga isda sa kanilang fish pond.

I smiled and slowly walked closer to him. His back was facing me that's why he still wasn't aware of my presence. Nang tuluyan akong makalapit ay niyakap ko siya mula sa likod.

Bahagya pa siyang nagulat kaya halos matawa ako. Nilingon niya ako at sinilip ko naman siya. I smiled at him.

"O? Nakatulog ka ba?"

Tumango ako. Pinagpag niya ang mga kamay niya nang matapos niyang mapakain ang mga isda. Humarap siya sa akin at ginantihan ako ng yakap. Naramdaman ko rin ang pagdampi ng mga labi niya sa aking ulo.

"Kain tayong meryenda. Anong gusto mo?" tanong niya.

Nagsimula siyang maglakad habang yakap pa rin ako. Paatras tuloy ang naging lakad ko at tanging siya lang ang may kontrol sa dinadaanan namin. Namalayan ko na lamang na nasa kusina na kami.

"Do you know how to bake?" I asked.

Bumitiw siya sa yakap at kinunutan ako ng noo.

"Uh... a bit?" tila hindi siya sigurado.

Natawa ako. Tinalikuran ko siya at sinimulan ko nang maghanap ng mga kakailanganin.

"I wanna eat some brownies."

"Oh... uh, okay. M-Marunong naman yata akong mag-bake no'n," nauutal niyang sagot.

I couldn't suppress my laugh. I faced him again and threw my arms on him. I stole a kiss from his lips.

"Oh, stop impressing me with your words if you don't really know something. It's okay. At wala naman akong sinabi na ikaw ang magbe-bake." I chuckled.

Moments later, I was already mixing the ingredients in a bowl. Froilan was beside me and just watching everything I did. May dalawa ring tagapagsilbi siyang pinalapit in case na may kailanganin ako na puwede na lang iutos.

"Alam mo ba, noong bata ako ay pinangarap kong maging chef," biglang pagbubukas ko ng usapan habang naghahalo.

Wala naman siyang kibo. Abala siya sa panonood sa ginagawa ko kaya ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkukwento.

"Iyon ang pangarap ko noong bata. Saka nakikita ko kasi sa TV na ang lilinis tingnan ng mga chef. Puting damit tapos ang sasarap pa ng niluluto. Parang enjoy na enjoy sila sa ginagawa nila. Kaya gusto ko, gano'n din ako paglaki."

I heard him chuckle.

"Kaya lang... sa tuwing nakikita ko 'yong mama ko na umaalis para sa trabaho niya, unti-unting nawawala 'yong kagustuhan kong maging chef balang araw. Si Mama... nagtatrabaho bilang flight attendant para buhayin ako, para may pera kami, kasi mahal niya kami ni Papa. Ayun. I got inspired over and over again. I told myself that I would be like her when I grow up."

Nang matapos ko nang mapa-lapot ang chocolate, inilagay ko na ito sa lalagyanan. Nakasunod ang tingin sa akin ni Froilan.

"My dream of being a chef got blown by the wind. I realized that it wasn't really what I needed and what I wanted. Ganoon siguro talaga, 'no? May mga pangarap tayo noong bata tayo na hindi nasusunod. Mga pangarap na akala natin ay kailangan natin pero habang tumatanda tayo, habang mas nagkakamulat tayo sa mundo, mas nakikita natin 'yong mga bagay na mas kailangan at mas gusto natin."

For You, AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon