Dearest Germain, we've finally reached the end. These past few months have been a challenge for each and every one of us, but you're still here -- standing stronger everyday. Amidst the pandemic and all the unfortunate stuff the world has given us, it's a pleasure for me to share some lightness that could somehow bring a smile on your faces. I'm happy to share Amor and Froilan to all of you, so thank you so much for appreciating them. Thank you for being with me throughout their journey.BUMUSINA akong muli nang wala pa ring nagbubukas ng gate sa akin. Nasaan ba ang mga putragis na security guards namin? At bakit parang ang dilim yata ng buong bahay? Parang walang tao sa loob.
Kumunot ang noo ko at unti-unting dinaluyan ng kaba sa dibdib. Napababa ako ng kotse at ako na mismo ang nagbukas ng gate. Muli akong bumalik sa sasakyan ko at pinaandar na iyon papasok. Madilim talaga ang paligid. Walang bukas na ilaw at wala akong nakikitang pagala-galang bodyguards.
Did something happen here while I was at work?
Hindi ko na ipinark pa nang maayos ang sasakyan ko. Tumintindi ang kaba sa dibdib ko kaya bumaba na ako agad at halos tinakbo ang daan patungo sa pinakapinto ng bahay.
Ipinagtaka ko ang bukas na bukas na double doors. Palaging nakasara ang mga iyon sa tuwing dumarating ako kaya ang makitang bukas na bukas ito ay mas lalo lamang nagpadagdag ng kaba sa akin.
Madilim na madilim pagkapasok ko. Walang ni isang bukas na ilaw akong nakita.
"Manang Luz?" tawag ko sa may edad na naming mayordoma.
Wala akong narinig na tugon. Kahit anong tunog ay walang sumalubong sa akin.
"Where the fuck are these people?" I whispered to myself.
Naglakad pa ako papasok at kakapain na sana ang switch ng ilaw sa sala ngunit kusa na iyong bumukas. Nagsipagbukasan na rin ang ilaw sa dining, sa balkonahe, sa garden, at maski ang mga ilaw sa ikalawang palapag.
Bahagya akong napatalon nang may biglang sumabog na confetti kasabay ng sabay-sabay na mga boses sa paligid.
"Happy birthday, Froilan!"
My mouth went agape. In front of me were the people I love so dearly. Mommy and Daddy were holding each gold balloon number that indicated my age -- 29. Ate Rizza and Chaz were holding the confetti.
At syempre, ang nasa pinakagitna na may suot pang party hat at siyang may hawak ng cake...
My baby...
Hindi ko na napigilan ang ngiting umabot hanggang tainga ko. Unti-unti silang lumapit sa akin at niyakap ako. Pati sina Manang Luz at ang ilan pang kasambahay ay bumati rin sa akin.
After everyone got finished greeting me, my eyes automatically landed on Amor who was smiling cutely in front of me while still holding the cake. She looked too adorable wearing a pink pastel dress and of course with that kiddy hat on her head.
"Happy birthday!" masayang bati niya at bahagaya pang napatalon.
I almost had a heart attack by that sudden action of hers, though. Maski sina Mommy ay medyo nagulat din at napahawak sa kaniya. Natawa rin sila.
"Careful, mon amour. You're pregnant..." I reminded her.
Humagikgik lamang siya at itinapat na sa mukha ko ang cake.
"Make a wish!"
Isang ngiti muli ang pumaskil sa mga labi ko. Ano pa ba ang maihihiling ko kung nasa akin na ang lahat? May maayos akong trabaho. May magandang tahanan. May tahimik at matiwasay na buhay. Higit sa lahat... may asawang nagngangalang Amorette Lavin Vallescas na masayang sumasalubong sa akin sa tuwing uuwi ako galing trabaho.
BINABASA MO ANG
For You, Amor
Ficção Geral"Only for Amor." ***** Amorette Carbonel is an introvert type of girl - close enough to be called as a weirdo. She likes to distance herself from the crowd because she always thought that everyone will just going to hurt her. Hindi naman kasi siya k...