"Omygash! Omygash!" excited na sabi ni Thea sa tabi ko.
"Ano na naman?" sagot ko sa kaniya.
Kunot noo siyang lumingon sa'kin.
"Hindi ka ba excited?" sabi niya.
"Saan ba?"
"Hello?! Moving up na natin sa Friday! You should be excited!" sabi niya at hinampas pa nga ako.
"Tuesday pa lang ngayon." sagot ko sa kaniya. Nasa isang covered court kami, nag papractice ng mga gagawin namin sa moving up ceremony.
Walang nakaka-excite doon. Ang mga naeexcite lang ata doon ay 'yung mga mga nakuhang awards at may mga supportive parents.
Wala lang naman sa'kin ang moving up kasi syempre, estudyante pa rin naman ako sa susunod na taon. Anong bago doon? Matutuwa ako kung sa susunod na taon ay trabaho na ang kukunin ko. 'Yun ang bago.
"Alam niyo, dapat mag swimming buong section bago mag moving up!" suggest ni Nietta na naglalagay ngayon ng liptint sa labi niya.
"Gusto mo na ba mamatay?" barumbado na sabi sa kaniya ni Zha.
Kunot noo na lumingon si Nietta kay Zha.
"Huh?? Ang sabi ko mag swimming, hindi magpakamatay!" napairap si Nietta.
"May mangyayare kasi na masama kapag nag swimming tayo bago mag moving up!" sigaw ni Zha sa kaniya.
"Saan mo naman napulot 'yan?" walang gana na tanong ni Nietta sa kaniya.
"Gaga, hindi 'yon pinulot! Sinabi niya 'yon." pambabara ni Marou kay Nietta.
Natawa ako sa kanila. Ganiyan sila palagi mag usap.
"Is that a myth, right?" pagsingit ni Thea sa usapan.
"Ay wow, myth, pamahiin lang sa'kin 'yan e." tumawa ng malakas si Marou.
"Ano ka ba," siniko siya ni Nietta. "Hindi ka na nasanay diyan, alam mo namang spokening dollars 'yan." natatawa at pabulong na sabi ni Nietta.
"Oo, Thea, pamahiin 'yon." sabi ni Zha. In-explain niya pa kay Thea. Ang dami niya pang sinabi hanggang sa napunta na kami sa pamahiin na puro katatakutan.
"Ayan, ayan, diyan ka magaling Marou! Ang hilig hilig mo sa horror kahit kami hindi!" sabi ni Nietta.
Nagdaldalan pa sila ng kung ano-ano. Lumilipad ang isip ko. Sampung buwan na pala. Ay mali, mag iisang taon ko na pala siyang hindi nakakausap...
"Liya!" sigaw ni Nietta. Nakakarindi talaga ang boses niya!
"A-ano?" napalingon ako sa kanilang apat na nakatingin lang sa'kin ngayon.
Napabuntong hininga si Nietta at agad lumipat sa tabi ko para yakapin ako.
"Okay lang 'yan.." hinimas-himas niya ang balikat ko at nakisama sa yakap sina Thea.
Napangiti na lang ako. Ang swerte ko rin talaga na may apat akong magagandang kaibigan.
Lumipas ang ilang araw, papalapit nang papalapit ang moving up. Halos hindi ko na nakakausap sina Thea dahil alphabetical ang arrangement ng upuan. Hindi ko na rin nakakausap sina Lou dahil ang layo nila sa'ming mga girls. Nakabukod kasi ang girls sa boys, so, hanggang kaway-kaway na lang muna kami. Tapos 'yung break time naman ay saglit na saglit lang. Hindi na kami umaalis sa pwesto namin dahil nagmamadali kami kumain!
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...