Sobrang busy!!
Pageant na kasi ngayon, inaayusan na namin si Marou at Kendmar. Halatang tense na tense na si Marou habang si Kendmar ay chill lang.
Pero hindi 'yan ang issue ko ngayon, kundi si Rj.
Lumalayo siya sa'kin.
Umiiwas.
Hindi ko alam kung bakit.
*Flashback*
"Okay, guys! Pageant na bukas!! Galingan mo Marou at Kendmar!" Sigaw ni Nietta.
"Oo naman! Gagalingan namin para sainyo." Kumindat si Kendmar.
Tsk. Mukha talaga siyang chickboy pero hindi naman hahahaha stick lang siya kay Marou.
Napatingin ako sa paligid, hinahanap ko si Rj. At ayun siya! Nasa sulok, tulala.
"Rj!" lumundag ako sa harap niya na ikinagulat niya. "Okay ka lang? Mukhang kahapon pa malalim ang iniisip mo ah?"
"Ah.. wala 'to." umiwas siya ng tingin sabay alis.
Kumunot ang noo ko kaya hinabol ko siya at hinawakan siya sa braso.
"Uy.." huminto siya. Humarap siya sa'kin kaya naman ay ngumiti ako. "Tabi tayo bukas, ah! Kapag manonood na ng laban nina Marou, ha? ha? ha?" pangungulit ko, inaalog ko pa ang braso niya.
Napawi ang ngiti ko nang alisin niya ang kamay ko sa braso niya.
"H-hindi yata ako m-manood." nakayuko na sabi niya.
"HA?! BAKIT?!" tumaas ang boses ko.
Hindi naman pwede na hindi siya manood, hindi lang 'to basta laban ng bawat section, TROPA NAMIN ANG LALABAN.
Huminga siya nang malalim at napahawak sa batok niya. "M-may aasikasuhin k-kami ni mama bukas, hindi ako makakapasok."
"Uh.." natameme ako. "Hindi ka ba pwedeng.. humabol??"
"Hindi e, buong araw kami may aasikasuhin. Sige, Liya, CR lang ako." mabilis na sabi niya habang nakatalikod sa'kin.
"He's avoiding.."
Napalingon ako sa nagsalita. Si Thea.
"..YOU." pagtapos niya sa sinasabi niya.
"Thea, wala naman akong ginawa sa kaniya e, bakit ba siya nagkakaganoon? Nung nakaraang linggo pa siya ganiyan e. Ay mali, simula nung.." nag isip ako kung kailan ba siya nagsimulang umiwas sa'kin. Hanggang sa naalala ko na, "simula nung pagkatapos ng overnight namin, 'yun 'yon!"
"Wala ka bang naaalala na may nagawa ka sa kaniya bago sila umuwi nun?" tanong niya sa'kin.
Mabilis akong umiling. "Wala. Wala. Hiniram niya pa nga sa'kin 'yung English notebook ko e." wala sa sarili na sagot ko. "Okay na okay pa kami nun.."
"Nasubukan mo na ba siya tanungin kung ano problema niya?"
"Oo, ilang beses na pero ilang beses niya rin iniwasan ang topic na 'yon." napahawak na lang ako sa noo ko sa inis. "Ewan ko, Thea, ewan ko..." tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko.
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...