CHAPTER 36

29 3 4
                                    

Bakit ba nila kailangan magbulungan? Ang lapit pa nila sa isa't-isa?! Kulang na lang ay maghalikan na!



Patingin-tingin pa sa'kin dito si Alliyah.



At pangiti-ngiti pa siya! Hmp!



Okay, ako na OP -.-



"Ehem," biglang lumapit sa'kin si Rj.


"Tapos na kayo?" hindi ko maiwasan ang pagtataray.



Kumunot naman ang noo niya. "May sinabi lang ako."



"Alam ko,"



Tatalikuran ko na sana siya pero bigla niya akong hinila. "Sabi ko kay Alliyah, diligan niya 'yung mga halaman sa tapat ng bahay nila. Lanta na kasi o," sabay turo niya sa mga tanim.



Oo nga.. nalalanta na..



PERO BAKIT NILA KAILANGAN LUMAYO SA'KIN, 'DIBA???



"Ay ha-ha-ha, oo nga, Liya. 'Yun 'yung sinabi sa'kin ni Rj." nahihirapan na sabi sa'kin ni Alliyah. Tinaasan ko lang siya ng kilay sabay ngiti.



"Okay. Tara na, Rj."



Nang makaalis na kami, panay ang kalabit sa'kin ni Rj.



Nakakainis naman kasi. Bakit nila kailangan lumayo pa diba? 'Yun lang pala 'yung sasabihin.




Inis akong lumingon kay Rj. "May tinatago kayo, 'no??!"



Halatang nagulat si Rj sa sinabi ko. Agad siyang umiling. "Wala, Liya." mas lumapit pa siya sa'kin. "'Yun lang talaga 'yon."



"E, bakit niyo pa kailangan lumayo? Tapos ikaw pa talaga ang naghila sa kaniya palayo. Sasabihin mo lang naman sa kaniya na diligan 'yung mga halaman tapos lalayo pa sa'kin? Ano? Mamamatay ba ako kapag narinig ko usapan niyo? Ah! Alam ko na! Ikaw ang may tinatago sa'kin!"



Mas lalo akong nainis dahil tumawa lang siya.



TINAWANAN NIYA LANG AKO.



"Tapos ka na?" natatawa na sabi niya. Napairap ako.



"Oo! Tapos na ako sa'yo!" gigil na sabi ko.



Nagmartsya ako palayo sa kaniya. Naririnig ko pa rin ang halakhak niya sa likuran ko.



"Wait, Liya!" tatawa-tawa pa rin siya. "Nagseselos ka?"



Bigla kong hinampas sa kaniya 'yung bag na hawak ko. "Hindi! Hindi! Hindi ako nagseselos!" sarkastiko na sabi ko. Pinandidilatan ko pa siya ng mata.



Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan at inagaw sa'kin ang bag ko. "Ako na magbibitbit."



Hindi na ako pumalag dahil sa pagkakaakbay niya. Hindi na rin ako nagpumiglas. Ewan ko, natutuwa ako sa akbay niya sa'kin. Waaaah!



Ngingiti na sana ako kaso naalala kong galit pala ako. So, kinareer ko na ang galit-galitan ko.



"'Wag ka na magtampo.." nakakaasar! Nakakaasar 'yung way ng pagsasalita niya.



"Ewan ko sa'yo." halos bulong ko.



"Mag ddate tayo tapos nakabusangot ka diyan. Paano tayo mag eenjoy mamaya?" siya naman ang nakasimangot ngayon.



"Edi idate mo sarili mo tapos tumawa ka mag isa mo."



"Sungit mo naman, Liya." nakakainis!! tumatawa na naman siya. "Malapit na tayo."



Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon