"May gusto sana ako itanong sa'yo." sabi ng mama ni Rj.
"Ano po 'yon?" kumakalabog ang puso ko sa kaba.
"Gusto mo ba talaga si Rj?"
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya! Nakakahiya man sumagot pero tumango pa rin ako. Gusto ko naman talag si Rj.
"Sigurado ka ba sa kaniya?" nag aalala na sabi ng mama niya. "Kasi ayoko masaktan ang anak ko.. siya lang ang nag iisa kong anak."
"Uh," hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kaniya. "T-tita.. sigurado po ako kay Rj.." naramdaman ko na lang na nag iinit ng sobrang ang pisngi ko ngayon.
Isabay mo pa ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Tumango ang mama ni Rj at ngumiti sa'kin. "Salamat.." malambing na sabi niya. "Tita ang itawag mo sa'kin or kaya naman kung gusto mo ay 'mama' na rin." ngumiti siya nang mapang asar.
Mas lalo tuloy nag iinit ang pisngi ko!
"Oh, nandiyan na pala kayo." sabi ni Tita habang nakatingin sa pintuan.
Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Rj at ang..
Papa niya.
Omyghad!
Magkamukhang-magkamukha sila!
Para silang kambal!
Napanganga ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Naka black pa na longsleeves ang papa niya kaya medyo malapit ang kulay ng damit niya kay Rj.
"Liya, okay ka lang?" bulong sa'kin ni Rj.
Hindi ako makasagot sa kaniya dahil papalit-palit ang tingin ko sa papa niya at sa kaniya. Ang papa niya ay nakaupo na ngayon sa harapan ko, sa harapan naman ni Rj ay ang mama niya.
Natauhan lang ako nang tumawa ang mama ni Rj. Este, si Tita. "Ganiyan talaga sila Liya, sobrang mag kamukha."
Napangiti ako. Tumitig ako sa papa niya, nakatingin din pala siya sa'kin pero hindi siya nakangiti..
Hindi niya yata ako nagustuhan! Waaaah!!!
"Uhm, ehem ehem!" napalingon ako kay Rj. "Dahil.. kompleto na tayo.." lumingon siya sa'kin. "Ma, pa, si Liya po." pormal na pagpapakilala ni Rj.
"Nice meeting you, po." nahihiya na sabi ko. Pinilit ko pa rin magsalita kahit kinakabahan ako.
"Liya." matigas na sabi ng papa ni Rj.
Kinilabutan tuloy ako! Waaah!
"Opo," wala sa sarili na sagot ko. Napatingin ako sa plato ko na may laman na spaghetti.
Tama ba 'yung sagot ko? Tinatawag niya ba ako o kinukumpirma lang na 'Liya' ang pangalan ko?
Arghh!! Bakit ako sumagot ng 'Opo' ??? WAAAAAH!! >_<
"Ay siya! Kain na tayo!" nakahinga ako dahil sa pagsingit ni Tita.
Nilagyan pa ako ni Rj ng fried chicken sa plato ko. Masarap daw kasi i-combine ang fried chicken sa spaghetti. Totoo naman!
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...