Hindi ko talaga alam kung anong nangyayare kay Rj. Patagal nang patagal, pawala siya nang pawala sa'kin.
Eto na ba 'yung napapala ng M.U lang? Hindi ka makapag demand dahil wala namang kayo? Wala kang karapatan mag reklamo.
Panay ang suyo ko sa kaniy at lapit sa kaniya pero umiiwas lang talaga siya. Wala na siyang paramdam sa'kin. Wala na siyang chat. Walang hello sa personal, wala nang nangungulit sa'kin. Wala na akong kasabay na Rj sa pag uwi. Wala na. Biglang nawala.
Ang nakakainis pa, magpapasko na lang ngayon pero ang cold pa rin ni Rj. Sinubukan na siya kausapin nila Paul pero ang nangyare, hindi talaga sumasagot si Rj kaya nasapak na siya ni Paul.
Tinatanong ko siya kung may nagawa ba ako pero sinasabi niya na wala.
*flashback*
"Uy, Rj! May nagawa ba ako sa'yo? May kasalanan ba ako sa'yo? Sabihin mo naman oh." pagmamakaawa ko.
Hinihingal na ako dahil sa bilis ng lakad niya, hinahabol ko siya.
"Wala. Wala kang nagawa, Liya." sabi niya ngunit hindi tumitingin sa'kin. "Kailangan ko na umuwi, bye."
"Teka lang Rj!" hinawakan ko ang braso ko. "Ano ba problema? Ha? BAKIT KA UMIIWAS?! ISANG BUWAN KA NA GANIYAN. HINDI NA KITA MAINTINDIHAN!"
"'Yun na nga e, hindi mo ako maintindihan kaya mas mainam na ganito na lang tayo."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.
"R-rj.." nangingilid na ang mga luha ko. "Ano bang sinasabi mo?" pumipiyok na ako.
"Wala. Sige na, alis na ako."
At dahil nanghihina na ako, hindi ko na siya nagawang habulin pa.
Pinanood ko lang siya na naglalakad palayo sa'kin. Hindi ko makita ng maayos ang likod niya dahil sa mga luha na humaharang sa mata ko.
Kinabukasan, sinubukan ko ulit na kausapin siya. Pero wala, dedma ulit.
"Liya, hayaan mo na siya! Pinapagod mo lang ang sarili mo." saway sa'kin ni Marou.
"Marou, nagbabakasakali lang naman ako na sumagot na siya e." naluluha na naman ako.
"Tao ka, okay? Hindi ka aso. Kaya huwag ka maghabol diyan." inis na sabi sa'kin ni Marou.
"Mag dadalawang buwan na siyang ganiyan, Liya. Wala na 'yan. Tumigil na siya, kaya tumigil ka na rin." matabang na sabi sa'kin ni Zha.
Napaiyak na lang ako sa harapan nilang dalawa. Hirap na hirap na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Sorry.. g-gusto ko lang n-naman malinawan e."
Walang araw na hindi ako umiiyak dahil sa kaniya.
"Hoy, Rj!" rinig kong sigaw ni Paul sa likod ko.
Nataranta bigla si Marou at Zha. Si Zha ay mabilis na tumakbo papunta kay Paul, parang pinipigilan.
Napatingin ako sa mukha ngayon ni Paul na galit. Magkasalubong ang kilay niya at masamang nakatingin kay Rj.
"Bakit, tol?" inosente na sagot ni Rj saka lumapit kay Paul.
"Ano bang ginagawa mo kay Liya?!" inis na sabi ni Paul.
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...