CHAPTER 15

25 0 0
                                    

"Wanna try?" alok ni Thea.




Umiling lang ako sa inaalok niyang laro. Hawak niya na ngayon ang cellphone ni Paul.




"Lapit na third quarter!! Malapit na rin christmas break, yes!" pagdiriwang ni Junjun.




"'Yan ba ang mas importante sa'yo, Junjun?" dismayado na sabi ni Paul habang nakataas ang paa sa isa pang upuan.




"Wow, hiya naman ako sa'yo na gustong-gusto mag cutting!" umakto pa na nadidiri si Junjun.




Gustong-gusto ko na rin mag christmas vacation, sa totoo lang. Masyado ng marami ang pinapagawa ng mga teachers. Hindi kaya sila napapagod mag check sa dami ng pinapagawa nila? Bakit kaya hindi nila kontian ang mga outputs para hindi na sila mahirapan mag check?




"Hindi pa nga tayo nakakapag exam this second quarter, gusto mo na agad mag christmas break?" wala sa sarili ni sabi ni Thea habang nakatutok pa rin ang mga mata sa cellphone.




Bored na bored ako ngayon araw na 'to dahil absent si Rj. Wala akong kasabay sa pag uwi mamaya. Well, palagi na kami nagsasabay ulit. Kinokontrol ko lang ang mga dapat kontrolin. We're good now, we're friends.




"Paano na reporting namin mamaya!" padabog na naglakad palapit sa'min si Xander. Galing siya sa kabilang dulo ng classroom.




"Nandiyaan naman si Lou, Xands." pag comfort ko sa kaniya.




"Hindi 'yun! 'Yung visual aid kasi namin ay na kay Rj!" parang mahihimatay na siya sa sobrang nerbyos.




"Pagpasensyahan mo na si Rj, tol! Ganoon talaga 'yon kapag aabsent, walang pasabi." iiling-iling na sabi ni Junjun habang pinapanood ang ginagawa ni Thea.




Walang nakakaalam sa'min kung bakit siya absent ngayon. Okay pa naman siya kahapon, nakapagbasketball pa nga sila kahapon kalaban ang ibang section.




Tanong ako nang tanong kanina kina Paul pero hindi talaga nila alam. Noong una ay akala ko ayaw lang nila sabihin. Inutusan ko pa si Thea na siya ang magtanong dahil mas close sila at umaasa ako na magsasabi sila ng totoo kay Thea. Hindi naman ako nagkamali, nagsasabi nga talaga sila ng totoo na hindi talaga nila alam.




"Xander!" rinig kong sigaw ni Zha, mag kagrupo kasi sila. "Gumawa na tayo ng bago habang may oras pa, sabi ni Lou!"




Nagmartya palayo si Xander sa'min, palapit naman kina Lou.




Mabuti na lang at walang absent sa grupo namin at hindi rin absent si Thea dahil siya ang may hawak ng visual aid namin. Pakiramdam ko ay mas stress pa ako kay Xander ngayon kung pati si Thea ay hindi rin pumasok.




Mabilis lang na lumipas ang oras. Atat na ata na ako para bukas. Hindi ko alam kung bakit.




"May sakit daw si Rj, nilalagnat." mabilis akong lumingon sa nagsalita.




"Sino nagsabi?" Kumunot ang noo ni Paul sa pagsagot ko sa kaniya.




"Kachat ko." simpleng sagot niya.




Agad akong naki online sa phone ni Junjun. Hindi ko na napansin na may sinasabi pala sa'kin si Thea. Kinamusta ko lang si Rj sa chat at nag out na ulit ako. Hindi ko alam kung bakit ako natataranta na naeexcite sa magiging reply niya.




"Ano nga ulit 'yung sinsasabi mo, Thea?" tanong ko habang nakalahad ang kamay ko sa harap ni Junjun, binabalik ko ang phone niya. "Salamat, Jun."




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon