Madaling araw na.
"Go.. talk to him!" eto na naman si Thea at tinulak-tulak ako. Kanina niya pa ako tinutulak.
Nadaanan ko pa si Nietta na tulog mantika sa sofa. Kanina pa siya tulog, samantalang kami ay wala pang tulog!
"Teka lang, Thea, kinakabahan na naman ako!" pasigaw na bulong ang ginagawa namin dahil baka marinig kami ni Zha.
Nakita ko rin si Marou na nakasandal na ngayon sa balikat ni Kendmar, inaantok na rin. Sina Paul naman nagdaldalan lang, nasa harapan lang nila 'yung mga art materials pero hindi sila nakilos.
Sabagay, project naman nilang mga boys 'yan. Nakabukod kaming girls e hahaha.
"Kapag hindi ka niya naintindihan, sabihin mo kaagad sa'kin." sabi sa'kin ni Thea.
"Bakit?"
"Coz I will kick his ass." matalim na sabi niya.
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Lumingon ako kay Rj na medyo malayo kina Paul. Tumabi ako sa kaniya habang busy siya sa pagdidikit ng mga designs.
"Rj.."
"Hmm?" nagdidikit pa rin siya.
"'Yung sinabi ko sa'yo sa chat kanina, 'yung may problema ako-- i mean, tayo."
Kanina ay sinusuyo niya ako pagkarating dito pero sabi ko hindi naman ako galit. Hindi ko rin muna sinabi dahil inuna namin ang project. Ngayon lang kami nagkaroon ng time.
"Oo nga pala, ano pala 'yon?" binitawan niya 'yung mga tools na hawak niya at lumingon sa'kin.
"Kasi si mama, pinapalayo niya ako sa'yo." mabilis na sabi ko.
Binilisan ko na ang pagsasalita, dahil kapag nautal ako, ay baka magbago pa ang isip ko.
Nabigla siya. "Bakit daw?" mas lumapit pa siya sa'kin.
"Hindi ko rin alam e." naiiyak na naman ako. "Basta ang sabi niya, kapag daw nakita niya tayo na magkasama, ililipat niya na ako ng school." tuluyan nang bumagsak ang luha ko.
Parang kanina lang ay kay Thea ako umiiyak, ngayon ay kay Rj na.
Umiwas ng tingin si Rj. Ang tahimik niya. "Ganoon ba.." sabi niya lang.
Sabi na e! Mukhang wala siyang gagawin para tulungan-- "edi magtatago tayo hahaha"
"T-talaga?" parang nabuhayan ako! "Paanong tago?"
"Hindi muna tayo maglalalabas. Distansya rin kapag magkasabay tayo umuwi." sabi niya. "Ano ba sabi ng mama mo?"
"'Yun lang. Pinipilit lang niya talaga ako layuan ka. Ewan ko ba!" napahawak ako sa ulo ko. Stress na ako.
"Ganito na lang," hinawakan niya ang kamay ko. "Pupunta ako sa inyo at hihingi ng permiso na ligawan ka."
"Hindi--"
"Baka napapraning lang ang mama mo dahil hindi niya pa ako nakikilala. Siguro eto na ang tamang oras para magpakilala sa magulang mo." tuloy-tuloy na sabi niya.
Hindi.. hindi.
Hindi ito ang inaasahan kong isasagot niya. Okay na 'yung kanina e!
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...