"Sakto 'yung dala mong damit?" tanong ni Nietta kay Marou.
"Oo, sakto 'yan. Kung hindi man, hiram na lang ako ng damit kay Liya."
Nag aayos na ang lahat ngayon para sa pagpunta sa bahay namin mamaya. Ang bilis ng oras, natapos 'yung isang linggo last week ng ganon ganon na lang.
"Liya, hanggang eight lang ako ha." paalam sa'kin ni Thea. "Alam mo naman."
Oo na siya na ang may strict na parents HAHAHA kawawa naman 'to.
"Pahatid ka na lang kay Paul at Junjun mamaya." sabi ko habang nagliligpit ng notebook ko.
"Yeah, sure."
Tanghaling tapat ngayon, 'yung iba kong mga kaklase ay umuwi muna. Maliligo raw muna sila at kukuha ng damit bago pumunta sa bahay namin.
At syempre ang mga tropa ko ay hindi na uuwi. May bitbit na agad silang gamit kanina pang umaga! Ayaw raw nila mag aksaya ng oras sa pag uwi nila, sayang daw sa pamasahe. Sa bahay na lang daw namin sila maliligo.
"Kyla, pinayagan ka?" rinig kong tanong ni Marie.
"Hindi nga e," malungkot na sagot nito. "Ang hirap kapag may strict na parents pero naiintindihan ko naman." pagdadrama niya.
"Aww, so hindi ka na uuwi muna ngayon?"
"Hindi na. Diretsyo na ako sa bahay nila Liya."
'Yung mga hindi naman pinayagan mag overnight sa'min, diretsyo na sila sa bahay. Kaya habang wala pa 'yung mga pang gabi, sila muna ang kikilos. Doon lang sila makakabawi. Mas malaki pa rin ang role ng mga mag oovernight. Walang tulugan.
"Liya, tara na." inakbayan ako ni Rj. Punong-puno 'yung bag niya ng damit niya hahaha. "Ay teka lang, 'yung payong."
Aalis niya na sana 'yung bag na suot niya pero pinigilan ko. "Ako na kukuha." mahihirapan lang siya e, ang bigat kasi ng bag niya.
Habang nag cocommute kami papunta sa bahay, napakaingay ng mga kaklase ko. Kung ano-anong trip ang naiisip nila habang nasa daan. Natatawa na lang ako at nakikisali na rin. Minsan lang 'to!
KKB naman ang naisip nila. Kaniya-Kaniyang Baon.
'Yung pagkain kasi na iniwan nila mama ay para sa'min lang ni Greigh at nakabudget 'yon.
"Mag ambagan na lang 'yung mga walang baon ha. Nakakahiya kung makikilamon pa kayo kila Liya." sabi ng president namin.
Wala na akong masabi dahil pagod na kami ni Rj sa pakikipagtawanan kanina. Sobrang init din dahil tanghali. Wala ako sa mood dumaldal kapag mainit.
Nang makarating kami sa bahay, agad naman kaming pinagbuksan ni Greigh. Sakto lang dahil siya naman ang aalis. Pang hapon kasi ang schedule niya this school year.
"I'll go now." nagmamadali na sabi ni Greigh. Hindi na siya nag abala na tignan ang mga kaklase ko.
Well, Greigh as Greigh.
"Kapatid mo?" tanong sa'kin ni Kyla.
Tumango lang ako.
Lahat na sila ngayon ay nilalapag ang mga gamit nila sa sala. Si Junjun at Paul naman ay nakasalampak na agad sa sofa!
"Mahiya naman kayong dalawa kay Liya." sabi ni Lou sa kanila.
"Paupo!" irita na sabi ni Xander at inaalis ang paa ni Junjun na sakop ang buong sofa.
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...