CHAPTER 20

23 1 0
                                    

Ikinuwento sa'kin ni Rj na kaya raw siya nagkasugat ay dahil nadapa siya noong nainjured din si Paul. Napailing na lang ako dahil pare-pareho na silang tatlo ngayon na may mga sagot. Nahuli lang na magkaroon ng sugat si Junjun, huh! Friendship goal ata sila.




"Mabuti na lang kahit may bali si Paul sa kanang kamay niya, nagagawa niya pa rin magsulat." inosente na sabi ni Marou na nagpatawa naman kay Thea.




"Hindi nagsusulat 'yon." sabi ni Thea.




"Oo nga pala." sabi ko.




Hindi naman talaga sila nagsusulat ng lectures e. Wala naman silang ibang ginawa kundi magdaldalan o kaya naman ay itupi-tupi ang mga papel at ginagawang eroplano. Tapos kapag wala na ang teacher, papaliparin na nila.




"Mabuti na lang kamo at kinakausap na ni Paul si Junjun." walang gana na sabi ni Zha.




Kaming mga babae lang ang magkakasama ngayon. May pinuntahan 'yung boys na tropa nila sa ibang section. May get together daw sila today.




"Hindi naman sila nag away." sabi ko kay Zha. Kumunot ang noo niya.




"Anong hindi? 'Yung ugali ni Paul! Nako!" iritado na sagot sa'kin ni Zha at umiling-iling pa.




Hanggang ngayon ay iritado pa rin sila sa isa't-isa.




"Magbati na lang kayo ni Paul. Katulad ni Junjun at Paul." suggest ni Marou.




Muntik ko na mabuga ang iniinom kong tubig dahil sa suggestion niya.




"Hay nako, Marou! Kung alam mo lang at kung nasubaybayan mo lang ang away nila simula pa nung una, hindi ka mag su-suggest ngayon ng ganiyan." sabi ko sa kaniya habang inaayos ang takip ng tubigan ko.




"I want peace." tamad na sagot ni Thea. Napatingin kaming tatlo sa kaniya. "I really really need a peace." Hindi ko alam kung konektado pa ba sa usapan namin 'yung sinasabi niya. "I'm so... tired."




Sabay-sabay kumunot ang noo namin. Ngayon ko lang nakita si Thea na ganito kalungkot. Tinanong namin siya kung ano problema niya pero ayaw niya magsalita. Sabi niya ay joke lang daw 'yon.




"Nag papractice lang ako um-acting." tumawa siya.




Nagkatinginan lang kami nina Zha at Marou. Nang mabakabalik na kami sa classroom, bumungad agad ang mga boys namin na nagsisiksikan sila sa isang sulok at parang may pinapanood.




"Ano 'yan?" tanong ko na agad naman sila naghiwa-hiwalay at may tinago si Paul sa bulsa niya.




"Wala naman." pinagsiklop niya ang mga daliri niya.




Napatingin ako kay Rj na namumula ngayon at hindi makatingin sa'kin. Kumunot ang noo ko nang biglang umalis si Lou at Junjun, mag cCR lang daw sila.




"Sino pala 'yung mga pinuntahan niyo kanina?" tanong ni Thea kay Paul.




"Sina Kenneth, nagyayaya sila na mag basketball."




Tumango lang si Thea at umalis na. Nagsibalikan na sila sa mga upuan nila. Napatingin ako kay Xander na nasa malayo, hindi siya kasama sa nagkukumpulan kanina.




Susunod na sana ako kay Thea nang may humila sa braso ko. Napatingin ako kay Rj na sobrang lapit ngayon sa'kin. Para na akong mapapaluhod sa sobrang kaba.




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon