CHAPTER 37

27 3 5
                                    

Josephine's POV (Liya's mother)




Umaga ngayon, nasa school na si Liya.




"Mom, may pasok na ako bukas. Wala pa akong school supplies." reklamo ni Greigh.




"Oh, sorry, baby. Bibili na ako, now na." ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang ulo niya.




"Sama ako--"




"No need, baby. Pahinga ka lang diyan. Napagod ka yata mag ayos ng kwarto niyo ni ate Liya mo."




"Yeah, yeah.. super messy ng kwarto ni Liya! Para siyang hindi babae! Her art materials was scattered everywhere in her room!"




Natawa ako sa sinabi ni Greigh.




Natutuwa ako dahil marunong na mag isa ngayon si Liya. Siya na ang bumibili ng school supplies niya. Hindi na siya umaasa sa'kin. Pero syempre sa'min pa rin nanggaling ang pera, siya lang ang bibili.




Ang ayoko lang..




Ay 'yung kasama niya ang Rj na 'yon..




Nakikita ko kasi sa batang 'yon ang lalaking ayoko na makita habang buhay. Kung hindi ako nagkakamali, Emalyn din ang pangalan nung babae na pinalit sa'kin nung walang hiyang lalake na 'yon.




Ang nakakainis pa, magkamukhang-magkamukha sila nung lalaking ayoko na makita tapos kapangalan pa nung nanay niya 'yung pinalit sa'kin.




Ayoko mang isipin pero may pattern talaga na nabubuo sa utak ko..




Matiwasay akong naglalakad dito sa mall. Tapos na ako bumili ng mga school supplies ni Greigh. Bumili rin ako ng ilang color paint para may magamit si Liya. Hilig niya kasi mag drawing at magpinta ng kung ano-ano.




Kahit naman sinusungit-sungitan ko ang batang 'yon ay mahal ko pa rin siya. Kahit accident baby siya.




Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang ringtone ng phone ko. May tumatawag sa'kin. Agad ko naman sinagot nang makita ko na si Greigh ang tumatawag.




*On phone*




"Yes, baby?"




"Mom, i forgot to tell you to buy some paint for--"




"Liya." I cut her. "Nakabili na ako." bahagya akong tumawa.




"Good! I thought you---"




Ouch!!




May nakabangga sa'kin at nabitawan ko ang phone ko!!




"Ay, sorry, miss" nataranta 'yung lalaki na nakabangga sa'kin at mabilis na pinulot ang cellphone ko.




"Alam mo bang ang mahal nitong phone ko tapos hindi ka nag iingat sa paglalakad mo!!" sermon ko habang chine-check kung gumagana pa ba ang phone ko.




Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita ko na gumagana pa. Nawala nga lang 'yung tawag sa'kin ni Greigh. Binaba niya na siguro.



Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalakeng nakabunggo sa'kin.




No..




No!




No!




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon