CHAPTER 12

21 0 0
                                    

Napanganga ako sa pagkapit ni Cassie sa braso ni Rj. Kahit sina Paul ay laglag panga rin.




Anong meron sa kanila? Bakit ganito umakto itong Cassie'ng 'to? Bakit siya nandito? Hindi ba sila magkasabay ng pinsan niyang si Xander? Bakit si Rj ang kinakausap niya? Close na ba sila? At bakit pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante ngayon? Ang daming pumapasok na tanong sa utak ko pero ang pinaka tanong ko ay kung ano ang sasabihin dapat sa'kin ni Rj.




"U-uh.." mahinahon na inalis ni Rj ang kamay ni Cassie na nakakapit sa braso niya nang titigan ko iyon.




Kitang-kita ko sa itsura ni Cassie ang pagkadismaya.




"Babye," awkward na sabi ko at at dahan-dahan tumalikod sa kanila. Ayoko na sila makaharap pa.




May kung ano sa parte ng utak ko na naiinis at nagagalit. Gusto nito magwala o magdabog pero napipigilan ko pa. Hindi ko alam kung bakit ganito.




"Liya." tawag ni Rj. Hindi ako kumibo. Huminto lang ako sa paglakad ko. "I-ingat."




Hindi na ako sumagot at diretsyo na sa pag alis. Nakakainis na ewan! Hinabol pa ako nina Paul dahil may pupuntahan raw silang dalawa ni Junjun.




"Saan kayo pupunta?"




"Saan ba?" sabay na tanong ni Paul at Junjun sa isa't-isa.




"Huh?" Kumunot ang noo ko sa mga istura nila ngayon na nagpapanic. Sabi nila ay may pupuntahan sila tapos hindi nila alam kung saan sila pupunta?




Nagsikuhan pa silang dalawa kaya pinagtaasan ko na sila ng kilay.




"Mauna na ako," sabi ko, hindi sila sumasagot e. Nakatunganga lang sila sa harap ko at nag iintayan sila kung sino sa kanila ang unang magsasalita. Hay nako! Boys!




"Wait, wait!" hinila ni Paul ang kanang braso ko.



"Ano ba 'yon? Kailangan ko ba sumama sa pupuntahan niyo?" mahinahon na tanong ko. Wwan ko ba sa kanila! Ayaw na lang kasi ako diretsyuhin.




"Tara na! Baka gutom na si Liya." pag iiba ni Junjun sa topic. Tumango naman si Paul at silang dalawa pa ang nauna maglakad!




Nawiwierduhan ako sa kanila ngayon. Kanina naman ay hindi sila ganito.




"Saan ba talaga kayo pupunta?" medyo tumakbo na ako kasi naiwan akong nakatanga kanina. Weird kasi nila e.




Hindi pa rin nila ako iniimik! Nasa likuran lang nila ako at naningkit ang mga mata ko nang mapansin ko na palihim silang nagsisikuhan. Parang may gusto silang pag usapan pero hindi nila magawa dahil nasa likod lang nila ako.




"Mauuna ako maglakad." sabi ko at inunahan sila. Hinayaan naman nila ako.




Naririnig ko na sila na nagbubulungan pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Ayoko naman na rin makiusyoso pa dahil hindi naman ako chismosa.




Gusto ko man makipagdaldalan sa kanila pero kung gusto rin naman nila ako kadaldalan edi sana kanina pa nila ako kinakausap diba. Kung kasama ko lang si Thea, panigurado ay sila-sila lang din ang magchichismisan. Kasundo ni Thea ang dalawang 'to.




Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay lumingon ako sa kanila. Nagulat ako nang magulat sila nung lumingon ako. Sabay pa silang dalawa na tumuwid sa pagkakatayo na parang mga sundalo. Nakita ko si Junjun na biglang namutla at inangat ang paningin sa mga puno na nasa paligid. Si Paul naman ay diretsyong nakatingin sa'kin, ngumiti muna siya nang pilit bago niya ako sinenyasan na ipagpatuloy na ang paglakad ko.




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon