CHAPTER 47

27 2 5
                                    

RJ's POV


"Anak, hindi mo pa rin ba bubuksan 'yan?" tanong sa'kin ni papa.




Nakatingin lang siya roon sa box na binigay sa'kin ni Thea tatlong araw na ang nakalipas. Galing daw 'yon kay Liya. Regalo niya sa'kin.




"Sa pasko na lang po siguro, pa." napayuko ako.




Hindi pa ako handa buksan 'yon. Dahil kapag ginawa ko 'yon, baka bigla ko siyang puntahan sa bahay nila.




Napakahirap magpigil. Gustong-gusto ko siya lapitan sa tuwing nasa eskuwelahan kami. Hindi ko na lang siya tinitignan para makontrol ko ang sarili ko.




"Sigurado ka ba nak na gusto mo pa patagalin 'to?" nahihirapan na tanong sa'kin ni papa. Tumango ako.




"Bigyan natin siya ng time para mag move on sa'kin. Ayoko sabihin sa kaniya na hindi ko na siya mahal," ang bading man tignan pero umiiyak na ako sa harap ni papa. "Kasi hindi naman 'yon totoo. Sobra naman na pagkasinungaling ko kapag ginawa ko pa 'yon."




Sinubukan ko na rin lahat para makalimutan si Liya. Hindi 'yung literal na kakalimutan ko siya. Kakalimutan ko lang kung ano ang mga naganap sa'min. Kailangan ko rin ng time. Hindi lang siya ang may kailangan.




Pareho namin kailangan ng mahabang oras para makalimot. Hindi namin matatanggap agad-agad ang nalaman ko. Lalo na si Liya, babae siya, emosyonal ang mga babae. Masasaktan ng sobra 'yon. Mas okay na 'yung ako muna ang nakakaalam. Sasaluhin ko na lahat ng sakit.




Nagising na lang ako dahil ginising ako ni mama. Naghahanda para sa Noche buena mamaya.



Kinakabahan ako sa tuwing nakikita ko si mama. Hindi niya pa alam. Hindi niya rin alam ang nangyari sa'min ni Liya. Plano namin ni papa na pagkatapos ng taon na 'to, sasabihin na namin kay mama. Hindi namin 'to pwedeng itago sa kaniya ng matagal. Ayaw lang namin na masira ang pasko at new year namin.




"Merry Christmas, Rj!" kiniss ako ni mama sa pisngi.




"Merry Christmas, ma!" niyakap ko siya.




"Anak, Merry Christmas." ngumiti sa'kin si papa. "Merry Christmas, ma." bati niya naman kay mama.




Napangiti ako ng matabang. Paano kaya nakayanan ni papa na itago ang lahat sa loob ng labing-limang taon?




Pagsapit ng madaling araw, pasko na at katulad ng sinabi ko, bubuksan ko na ang binigay sa'kin ni Liya. Kinakabahan pa ako habang pinagmamasdan itong maliit at itim na box. Inalog ko 'to ng marahan, wala akong ideya kung ano laman nito.




"Merry Christmas, Liya." sabi ko sa sarili ko.




Hindi ko rin magawang mag online. Natatakot ako na baka may message sa'kin si Liya at baka hindi na ako makapagpigil.




Unti-unti kong tinanggal ang yakip nung box. Halos nakapikit na ako habang sinisilip ko ang laman nun. May nakita lang na papel sa ibabaw, nakatupi 'yon.




"Ano 'to?" nakita ko ang isang bilog na babasagin, para siyang crystal ball na may tubig sa loob tapos may glitters sa ilalim.




Eto 'yung bagay na kapag shine-shake, kumakalat 'yung glitters dala ng tubig. Hindi lang 'yon ang napansin ko. Agaw pansin din ang maliit na statue sa loob nun na may lalaki at babae na magkaakbay, naka uniform sila. Sobrang cute nitong regalo sa'kin ni Liya.




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon