"Anong pag uusapan natin?" halos hindi ako makatingin kay Rj. Nasa garden kami ng school, kaming dalawa lang. May iilang estudyante na napapadaan pero wala naman silang pake sa'min. Good.
"Uhm, Liya.." ilang beses ko na naririnig ang pag buntong hininga niya. "Paano kapag nalaman mo na may gusto sa'yo ang kaibigan mo?" dire-diretsyo niyang tanong.
Alam ko na 'yang mga ganiyang tanungan, Rj. Alam na alam ko na. Kailangan ko pa ba sagutin 'yan?
"Edi.. ayos lang?" patanong na sabi ko. Hindi ako sure sa mga sinasabi ko dahil kinakabahan na naman ako. Palihim ko pa na pinupunasan ang pawis sa noo ko. Myghad, Liya! October na, taglamig na pinagpapawisan ka pa!
Pakiramdam ko ay mas lalo akong pinagpapawisan dahil sa malamig na simoy ng hangin. Naramdaman kong lumingon siya sa'kin pero hindi pa rin ako tumitingin.
"Paanong ayos lang? You mean, okay lang sa'yo? ganoon?"
Tumango ako. Okay lang naman talaga sa'kin. Wala namang problema doon. Ang problema lang ay kung sarili niya ang tinutukoy niya.
"Edi okay lang kapag may gusto ako sa'yo." sabi niya. Hindi iyon tanong.
Gulat akong napatingin sa kaniya. Nakatingin lang siya sa'kin. Nararamdaman ko na naman na parang may mga kabayo na nagtatakbuhan sa puso ko.
"Ha?"
"Ulitin ko ba, Liya? H-hindi mo ba narinig?" nautal siya. Sobrang inosente ng pagkakasabi niya na akala niya ay hindi ko talaga narinig.
Narinig ko, Rj. Mas gusto ko na ulitin mo pero nakakahiya naman at ramdam ko na sa oras na ulitin niya 'yon ay mapapaamin na rin ako.
Oo, gusto ko rin si Rj pero hindi ko alam kung hanggang kailan. Ganoon din sa kaniya, hanggang kailan ang feelings niya sa'kin? Tatagal ba? May patutunguhan ba 'to?
"Huwag na." tanggi ko na ikinagulat niya. Ngumiti ako dahil nakakunot na ang noo niya. "Narinig ko naman." sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Natatakot ako na mapansin niyang kinakabahan ako. Baka pilitin niya ako na umamin din sa kaniya.
Natahimik kaming dalawa. Mas okay na siguro ang ganito kaysa sa may magsalita pa sa'min. Hindi pa ako sigurado, nabigla ako at hindi napaghandaan ang ganitong pangyayari.
Kung napaghandaan ko man, edi sana ay may listahan na ako ng mga sasabihin ko sa kaniya. At higit sa lahat, paano ko mapaghahandaan kung huli na rin nang malaman ko na may nararamdaman din ako para sa kaniya.
"Uhm, sabay na tayo mamaya?" sabi ni Rj. "Hindi kami maglalaro mamaya. Tanga tanga kasi si Paul, na-injured."
Humagalpak ako sa tawa sa sinabi niya. Sobrang irita siya nung sinabi niya na injured si Paul. Kitang kita sa kaniya na dismayado siya. Tumigil lang ako sa paghalakhak nang ma-realize ko na para na akong hindi babae kung tumawa.
Umismid ako. "S-sige." sabi ko habang tumango-tango na parang maamong aso.
Natahimik na naman kaming dalawa. Kailangan ko makipag usap! Katulad noong ginagawa ko sa kaniya nung unang araw ng klase. Act normal!
Ngumisi ako nang may naisip ako na topic. "Bakit hindi namin alam na injured si Paul? Saan banda siya may bali?"
"Dalawang daliri niya sa kaliwang kamay at isang daliri naman sa kanan." sabi niya na parang excited pa siya.
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...