Nakakakaba.
Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay nila.
Sa babay nila Rj.
"Kanina ka pa tahimik." sabi ni Rj. "Kinakabahan ka ba?" hinawakan niya ang kamay ko.
Tumango lang ako.
"Masungit ba mama mo?" nag aalala na sabi ko. Ewan ko bakit 'yun agad ang pumasok na tanong sa utak ko.
Baka mamaya kasi niyan ay mapangitan sa'kin ang mama niya at hindi ako matanggap! Waaaah!
Tumawa si Rj. "Hindi ah. Kaya tara na, huwag ka matakot." ngumiti siya nang napakalawak. "Kasama mo naman ako. Tyaka sigurado ako na magugustuhan ka ni mama."
Ngumiti ako ay humawak na sa kamay niya.
Ang bongga rin ng outfit ni Rj ngayon. Naka longsleeves polo pa talaga siya na dark blue ang kulay tapos itim na pants. Natawa pa nga kami kanina dahil ang dress na suot ko ay white tapos may designs na bulaklak na dark blue rin ang kulay. Halos terno na ang damit namin.
Okay. So, meant to be na ba talaga kami kapag ganoon? Hahaha!
"Ma," tawag ni Rj sa mama niya. "Liya, wait lang. Tawagin ko lang si mama sa taas." tumango ako.
Nandito na ako ngayon sa sala nila. Ang ganda ng bahay. Hindi ganoon kasosyal tignan pero ang ganda! Ang simple.
Bigla na lang ako pumunta sa isang cabinet na puro picture frames ang nakalagay. Napako ang tingin ko sa isang picture, mukhang si Rj 'yung bata roon tapos buhat-buhat siya ng isang babae, mama niya ata ito. Tisay 'yung babae at may bangs.
Hindi ko pa nakikita ang mama ni Rj. Ngayon pa lang.
Nakarinig ako ng footsteps pababa mula sa hagdan kaya lumayo na ako sa cabinet.
Pagkababa na pagkakababa ni Rj, nakasunod sa kaniya ang isang babae na nakita ko roon sa picture. Siya ang mama ni Rj!
Eto na naman ako kinakabahan na naman ako!
"Oh, hija!" ngiting-ngiti na sabi sa'kin nung mama ni Rj.
"Hello po," bati ko at nagmano ako.
"Uy, napakagalang naman nitong batang ito." sweet na sabi ng mama niya sa'kin. Napangiti tuloy ako. "At napakagandang bata."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hinawakan niya pa ang mukha ko. Medyo nailang pa ako pero nakakatuwa dahil hindi naman pala masungit ang mama niya!
"Halika, doon tayo sa kusina, may ginawa akong meryenda." pagyaya sa'kin ng mama niya. Nauna maglakad ang mama niya.
Biglang tumabi sa'kin si Rj at bumulong. "Sabi ko sa'yo e, magugustuhan ka ni mama. Ganda mo kaya."
Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin. Ano ba 'yan! Ang awkward masyado kapag pinapakilig ka sa mismong bahay nila! Mas sanay ako sa school e.
Pero mas nakakakilig dahil nagandahan sa'kin ang mama niya!!
"Palagi ka nakukwento sa'kin ni Rj." kinikilig na sabi ng mama ni Rj habang nag kukwento.
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...