"Kanina pa 'yang otw na 'yan ah? natapos ko na lang 'yung episode 1 ng meteor garden wala pa rin sila." rinig ko na reklamo ni Marou.
Hindi ko naman siya masisisi kung nag aalburoto na naman siya ngayon. Totoo naman na ang tagal ng mga boys at kanina pa kami nandito sa bahay ni Nietta, nag aantay.
Sasagot sana ako kay Marou kaso wala akong gana makipag usap. Sobra akong inaantok ngayon. Pinilit ko naman makatulog nang maayos kagabi pero hindi talaga ako nakatulog dahil kay Rj. Iniisip ko kasi ang mga pwede kong itanong sa kaniya at pinaghahandaan ko kung paano ko siya kakausapin. Kung ano gagawin ko kapag hindi niya ako pinansin at kung ano naman ang gagawin ko kapag pinansin niya ako.
"They're so tagal naman. I'm running out of patience." napalingon ako kay Thea na nakahiga ngayon sa sofa. Sa aming dalawa mukha siya ang walang tulog!
Napahinga ako nang malalim. Napasulyap ako kay Marou na nakakunot ngayon ang noo sabay dampot sa cellphone niya. Gigil na gigil siya habang may tinatype.
Napatingin naman ako kay Junjun na tahimik na nagmumuni-muni. Wala pa kasi ang bestfriend niya na si Paul.
At wala pa rin si Rj. Hindi na talaga siya nag chat kagabi.
Nagdadalawang isip tuloy ako kung kakausapin ko ba si Thea tungkol kay Rj. Natatakot ako na baka mairita lang siya.
Naiisip ko kasi, paano kung hindi naman pala seryoso sa'kin si Rj? Paano lang ah?
Hay nako, Liya! Gusto na nga magpakilala sa parents mo e tapos 'yan pa iisipin mo?! Idiot.
Napasandal ako sa upuan bago ako lumingon kay Thea. "Thea, sa tingin mo ba seryoso sa'kin si Rj?" biglang kumunot ang noo niya sa tanong ko.
"I don't know. I'm not him."
Arghhh, Thea naman!!!
"'Wag mo nga ako english-in, 'yung sa tingin mo lang?" isa pang english niya mag wawalk out na ako!
"Why?" dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya. "Do you have a plan na sagutin na siya?"
Opiniyon niya lang naman ang kailangan ko pero bakit siya nagtatanong. (T_T)
"Hmm. Nevermind. 'Wag mo na lang sagutin." nag walk out na ako pero hindi ko alam kung walk out ba talaga ang ginawa ko dahil sa banyo ako dumiretsyo.
Matatawag ko lang na walk out kung sa labas mismo ng bahay ako pumunta! Kaya nga 'out' e. Eh, hindi naman out ang banyo dahil inside the house pa rin 'to.
Hmm, pero pwede na rin siguro na walk out. Walked out from the living room.
HAHAHAHAHAHA! okay, ang corny ko.
Naamoy ko agad ang niluluto ni Nietta na french fries bago ako pumasok sa banyo. Natakam tuloy ako.
Pagkatapos ko gumamit ng banyo, nakita ko si Zha, Marou at Thea na nagkukumpulan na at nag uusap.
Magtatali sana ako ng buhok habang papalapit sa kanila pero naiwan ko 'yung ponytail ko sa banyo. Naglakad ako pabalik doon at hindi naman ako nahirapan hanapin ang pony ko.
Hanggang sa narinig ko na lang si Thea na nagsalita sa sala na nagpakaba sa'kin.. "They are here!"
They are here?! Nandito na sila! Nandito na si Rj!
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...