CHAPTER 7

26 0 0
                                    

RJ's POV


"Ma, alis na po ako." humalik ako sa pisngi ni mama bago lumabas ng bahay namin.




"Ingat ka, nak!" kumaway siya sa'kin bago sinara ang gate.




Medyo traffic pa dahil unang araw ng klase ngayon. Daming estudyante.





Kinuha ko na lang ang earphone sa bag ko at sinalpak 'yon sa tenga ko para magpatugtog. Hanggang sa hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa school.




Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap ng classroom namin. Nakita ko rin agad si Paul sa dulo na nakaupo, sa tabi ng bintana.




Siya agad ang una kong nakita dahil sa agaw pansin na kulay orange na jacket niya. Ang tingkad ba naman ng kulay.




"Oy, pre!" nakipag-apir sa'kin si Paul. "Saan ka uupo?" tanong niya. "Sorry, pre hindi ka na namin na-reserba ng upuan!"




Ang aga-aga pa pero halos mapuno na agad ang classroom namin.




"Ayos lang." Nakita ko na magkatabi na sila ni Junjun.




Sa unahan ni Paul ay may dalawang bakante pa na upuan kaya doon na lang ako umupo sa harap ni Paul. Nilagay ko na lang 'yung bag ko sa bakanteng upuan na katabi ko.




"Huwag mo ilagay bag mo diyan, madudumihan." narinig ko na sabi ni Paul kay Junjun.




Busy lang ako na naglalaro sa phone ko habang iniintay na dumating ang teacher namin.




"Ih, diyan na lang sa tapat mo, hindi ako makaupo ng maayos e." sagot ni Junjun kay Paul. "Labas lang ako saglit ah." sabi niya pa.




"Saan ka punta?" sagot ni Paul.




"Diyan lang ako, 'wag ka na sumama. Baka mawalan pa tayo ng upuan." sabi ni Junjun, napalingon pa ako sa kaniya na palabas ng classroom.




May nakasalubong pa siya na babae na bilugan ang mga mata at tisay.




"Hi, may uupo ba diyan?" napahinto ako sa pagpindot sa cellphone ko dahil may babae na kumakausap kay Paul.




"Meron e." sagot ni Paul.




Agad kong inalis ang bag ko katabi kong upuan at nilapag sa may paanan ko.




"Dito ka na lang." sabi ko roon sa babae na kumakausap kay Paul nang hindi ko nililingon.




"Salamat." mahinhin na sabi niya, nakita ko sa peripheral vision ko na nilapag niya na ang bag niya.





Mukhang tahimik naman 'tong babae na 'to kaya ayos lang na katabi ko siya.




"Hi, ano 'yang nilalaro mo?" nagulat ako sa biglang pagsilip niya sa cellphone ko dahilan para iiwas ko 'to sa kaniya.




Kumunot agad ang noo niya sa ginawa ko.




"Bakit?"




Napatingin siya bigla sa nametag ko.




"Wow, may nametag ka na agad?" sabi niya habang titig na titig sa nametag ko. Ngayon lang ba nakakita ng nametag? "Rick James.." pagbasa niya.




Sinabi ko na lang na may plus points kapag may nametag. Si mama kasi talaga ang nagpasimuno na dapat may nametag ako para ma-very good ng teacher. Hays.




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon