CHAPTER 46

24 1 4
                                    

Christmas party na namin mamaya. Hawak-hawak ko ngayon ang regalo na ibibigay ko sa kaniya.




"Liya, wait!" rinig kong tawag sa'kin ni Greigh, natataranta siya.



Kumunot ang noo ko. "Bakit?" napatingin siya sa isang box na hawak ko.




"Hindi mo ba talaga ako sasamahan?" nakakunot ang noo niya habang nakabusangot. "Ayaw mo ba ako kasama?"




Nagulat ako sa tanong niya.




Tumawa ako. "Ano ba sinasabi mo? Pwede naman bukas ah? May christmas party pa tayo mamaya." mahinahon na sabi ko. "Wait," inayos ko ang upo ko at pinaningkitan siya ng mata. "Hindi ka ba pupunta sa christmas party niyo?"




Umiling siya. Nawindang naman ako sa pag iling niya.




Seryoso ba siya?! E, party goer 'yang bata na 'yan e.




"At bakit?" mataray na tanong ko at pinagkrus ang braso ko sa harap ng dibdib ko.




Umiwas siya ng tingin. Nalipat ang tingin ko sa kamay niyang magkahawak at pinaglalaruan niya ito na para siyang kinakabahan.




"I.. I want to spend time with you this afternoon.." nakita ko na namula siya. "C-can you.. come with me? please?" nag puppy eyes siya.




Napahinga ako nang malalim. Paano 'to? Kung sasama ako kay Greigh, hindi ko maaabot ang regalo ko kay Rj.




Nahihiya naman ako pumunta sa bahay nila. Baka mamaya niyan at ma-hot seat pa ako sa mama at papa niya.




"Pag iisipan ko." narinig ko ang pagtatalon ni Greigh dahil sa tuwa. Natawa na lang ako.




Okay lang naman kung hindi ako aattend, pwede ko naman ipaabot nalang kila Thea 'yung regalo ko roon sa nabunot ko at ang regalo ko kay Rj..




Pero hindi pwede, dapat ako ang magbigay ng regalo ko kay Rj dahil may gusto pa ako malaman sa kaniya.




Hanggang ngayon, hindi pa rin ako okay.




"Sure na 'yan ah?! Wala nang bawian 'yan!" dinuro-duro pa ako ni Greigh.




Hindi ako sumagot. Mas gusto ko na ako ang magbigay.




Ilang minuto pa ako nag isip bago ako nakapag desisyon.




"Alis lang ako," sabi ko kay Greigh at tumayo ako.




Napahinto ako sa paglakad nang mabilis siya tumakbo papunta sa pintuan, hinaharangan niya na ito.




"SAAN KA PUPUNTA?!" sigaw niya.




Kumunot ang noo ko. Ang weird niya na naman!




"Saglit lang ako, promise. Babalik agad ako." mabilis na sabi ko at inurong ko siya palayo sa pintuan para makalabas na ako.




Nabigla ako nang agawin niya ang door knob, pinalo niya pa ang kamay ko!




"You are not going to leave." matigas na sabi niya. Masasabi kong seryoso siya.




Napakamot ako sa ulo ko. Ano ba problema nitong batang 'to?! Pati pag alis ko ay pinakikielaman niya na rin?!




Naalala ko tuloy kahapon, ine-examine niya 'yung mga binili kong regalo. Para siyang may sinusuri sa bawat binili ko. Tanong pa siya nang tanong kung kanino ko 'yon ibibigay. Buti na lang hindi ko nilabas sa bag ko ang regalo ko kay Rj, dahil kung hindi, pinakialaman niya na rin 'to.




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon