"Sa tingin mo ba aasenso ka diyan?" mataray na sabi ng half sister ko.
Binitawan ko ang color pencil na hawak ko at walang gana na tumingala sa kaniya.
"Siguro." ngumiti ako ng pilit, hindi labas ngipin.
Lumingon ako sa lamesa kung saan nakapatong ang drawing ko. Colorful 'yung forest, may ilang wild animals pa nga.
Hindi naman sa pagmamayabang pero ang alam ko magaling ako mag drawing.
"Ang panget ng gawa mo." mariin na sabi niya habang nakatingin sa forest na drinawing ko.
Kahit medyo nakakapikon, hindi ko na lang pinansin. Alam ko naman na gusto niya lang sirain ang araw ko pero hindi ko ipapasira.
"Kung may artwork kayo na kailangan gawin sa school niyo, 'wag ka mahiya na humingi ng tulong sa'kin ah." sincere na sabi ko kay Greigh.
"Yuck!" react niya agad na diring-diri. "Bakit ako hihingi ng tulong sa'yo? Mukha ngang basura mga gawa mo." tinarayan niya ako at umalis. Narinig ko pa na kumalabog ang pintuan ng kwarto niya.
"Hayyy." huminga ako ng malalim.
Pinatong ko ang dalawang siko ko sa lamesa at tinakpan ko ng kamay ko ang mukha ko.
Nakaka-stress.
Kahit naman ganoon sa'kin si Greigh mas pinipili ko na maging mabuting kapatid sa kaniya.
Ang hirap lang dahil magka-edad kami. Pakiramdam niya tuloy kakumpitensiya niya ako.
"Tumigil ka na diyan." sabi ni papa. "May pasok ka na bukas 'yan pa inaatupag mo." hindi ako lumingon.
Anak ni papa si Greigh sa ibang babae pero namatay na ang nanay ni Greigh. Ako naman, anak ni mama sa ibang lalake. Hindi pinakilala sa'kin ni mama ang totoo kong tatay, sa step father ko na ako lumaki. Ang tinuturing kong tatay ngayon kahit hindi siya nagpapaka-tatay sa'kin.
"Hi, may uupo ba diyan?" tinuro ko ang bakanteng upuan habang nakatingin sa lalakeng tinatanong ko.
Nakasuot siya ng jacket na orange. Medyo brown ang kulay ng buhok niya, hindi katulad sa iba na black na black talaga ang kulay ng buhok.
Nasa loob na ako ng classroom namin, medyo naligaw pa ako kanina kasi naninibago ako sa school. Parang kahapon lang grade 6 pa ako pero ngayon first year highschool na. Ang bilis talaga ng panahon.
"Meron e." sinuklay niya ang buhok niya paatras dahil may iilang hibla ng buhok niya ang humaharang sa noo niya.
"Ah.." inalis ko ang tingin ko sa kaniya.
"Dito ka na lang." biglang sabi ng isang lalake na nakaupo sa harapan nung naka orange na jacket.
Hindi siya tumitingin sa'kin, nakatutok lang ang mga mata sa cellphone niya. May nilalaro.
"Salamat." inilapag ko ang bag ko sa katabing upuan niya.
Umupo ako sa tabi niya, hindi ako komportable dahil hindi ko naman siya kilala pero makikilala ko rin siya soon!
Dapat siguro ngayon pa lang daldalin ko na siya?
Humarap ako sa kaniya, highschool na ako kaya dapat mas maging friendly na!
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...