"Wala naman.. ano lang, uhm, binigyan niya lang ako ng payo para sa pagpasok ko bukas."
Nakatitig lang ako ngayon kay Greigh na hindi mapakali.
"Ahh ganoon ba. Okay." naniniwala naman ako sa sinasabi niya.
Kaya siguro ang tagal nila kasi nag girl to girl talk pa! Hahaha.
"E, kayo.. ano pinag usapan niyo ni mommy?" Napalingon ako kay Greigh.
Kumunot ang noo ko dahil may nasesense talaga ako na hindi maganda sa kinikilos ni Greigh pero hindi ko matukoy kung ano 'yon.
Parang may hindi tama.
"Ano.." bumusangot ako. "Kapag daw may lalake na nagpakilala sa'kin tapos sinabi na siya raw ang tatay ko, huwag daw ako maniniwala."
Hindi ko alam kung ano ba ang pinagsasabi ni mama. Kainis!
Hindi kaya.. nag pakita sa kaniya ang tunay na tatay ko at gusto akong kunin kay mama?
Ang daming tumatakbo sa utak ko na mga dahilan kung bakit 'yon sinabi ni mama kanina.
"Huy, Greigh? Tulala ka na." nag snap ako sa harap ng mukha niya dahil literal talaga na tulala siya!
Ang weird niya talaga ngayon.
"Uh, s-sorry.." nabigla ako sa pagtayo niya at aambang aalis na sa kwarto ko. "Uhmm. N-next time mo na lang ako turuan mag d-drawing ha."
Hindi ako sumagot agad. Hindi siya makatingin sa'kin habang nagsasalita siya
"Greigh.." agad akong tumayo nang makita siya na aalis na. Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya. "Sigurado ka ba na okay ka lang talaga?"
Nag aalala na ako sa ikinikilos niya.
Ang normal naman kasi na Greigh ay kahit okay kami, nagsusungit pa rin siya. Hindi 'yon mawawala sa pagkatao niya pero 'yung ngayon..
Iba.
May kakaiba.
"Yes, sis." ngumiti siya. "Inaantok lang ako." yumuko siya. "Get your hands off me." umirap siya bigla.
Napangiti naman ako at nakahinga nang maluwag dahil sa pagsusungit niya.
Binitawan ko na ang braso niya at tumango. "Matutulog na lang din ako, nakakaantok talaga ang ganitong oras." hindi na nag comment pa si Greigh sa sinabi ko at walang paalam siyang lumabas.
Tinignan ko ang orasan at nakita ko na alas dos pa lang ng hapon. Naisipan ko muna mag online para magpaantok.
Naisip ko na, ishare ko kay Rj 'yung sinabi sa'kin ni mama. Diba nga, nangako na kami sa isa't-isa na wala ng secret--secret, kaya eto ako ngayon at magchachat sa kaniya.
Ligaya: May sinabi sa'kin si mama.
Sakto naman at online siya.
Rick James: typing..
Rick James: typing..
Rick James: typing..
Ang haba ata ng tinatype nito?
Rick James: typing..
Rick James: ano ulit sinabi? Pinapalayo ka ba ulit sa'kin? Huwag ka mag alala, hindi rin naman ako payag na lumayo ka sa'kin. Kakausapin ko na talaga mama mo.
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...