EPILOGUE

61 2 11
                                    

After 1 year.


"Breakfast in bed?"




May bitbit si Greigh na mga pagkain na nakalagay sa tray. Ginagawa niya naman akong bata.




"Bababa naman ako e," natatawa na sabi ko.




"It's your birthday! Gusto kita pagsilbihan. Hayaan mo na ako." she said while smiling. "Ay, nakalimutan ko 'yung tubig." napakamot siya sa ulo niya.




Lumabas siya ng kwarto at napangiti ako. Siya ang nagluto nitong mga pagkain na nasa harapan ko na.




Napatingala ako at pinagmasdan ang kwarto ko. Hindi na ito 'yung dati kong kwarto. Lumipat na kami ng bahay after nung moving up ko. Napupuno na ng picture frames ang pader ng kwarto ko ngayon. Puro picture namin nila mama, papa at Greigh. Mga bonding namin, memories.




Nahanap na rin ni Greigh 'yung picture na sinasabi niya noon sa'kin. Naluha ako nang makita 'yung picture na si Tatay Raymond 'yung naka red tshirt na katabi ni mama. Tapos ang sabi ni mama, buhat buhat niya raw ako sa picture na 'yon, baby pa ako. Hindi lang daw ako nakita dahil natuklap ang kulay. Mabuti na lang at may copy si Tatay ng ganoong picture kaya naman hiningi ko na hihi.




Simula nung sinurprise nila ako nung moving up, nagbago sila. Mas naging open sila sa'kin. Si mama? Ayun, sweet na siya ngayon. Humingi siya ng tawad sa lahat ng pagkukulang niya sa'kin at syempre pinatawad ko. Sino ba naman ako para hindi magpatawad.




Nag ring ang cellphone ko na nakapatong sa side table ng kama ko. Mabilis ko itong dinampot at napangiti ako nang makita ko kung sino ang tumatawag.





Si Kuya. Si kuya Rj.




*On the phone*




"HAPPY LEGALITY, LIYA!!"




Nilayo ko ang phone ko sa tenga ko dahil sa sigaw niya.




"18 KA NA! PWEDE KA NA MAKULONG! HAHAHAHA"




"ALAM KO!" sigaw ko pabalik.




Yeah. Okay na kami. Tanggap na namin ang lahat.




"Bakit kasi wala kang party? Debut mo naman! Isang beses lang 'to sa buhay mo, e." halata sa boses niya ang pagkadismaya.




"E, ayoko ng party."




Wala naman silang magagawa kung ayoko ng party e. Mas gusto ko 'yung katulad lang nung dati na kami-kami lang nila mama. Yung hindi mala-barbie ang celebration.




"Sayang! Hindi mo maeexperience  'yung mga 18 roses ganon!"




"Okay lang." natatawa na sabi ko. "Hindi ko kailangan nun."




"O, sige, bahala ka. Dadaan ako diyan mamaya, abot ko sa'yo 'tong regalo ko."




Medyo na-excite ako sa sinabi niya. May gift siya sa'kin!!




"Sige--"




Naputol ako sa pagsasalita ko nang biglang agawin ni Greigh ang cellphone ko at tinapat niya sa tenga niya.




"KUYA RJ, PAKAININ MO MUNA SI LIYA! HINDI PA SIYA NAKAKAPAG ALMUSAL--"




Natigil siya at kumunot ang noo niya sabay layo ng cellphone sa tenga niya.




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon