CHAPTER 13

25 0 0
                                    

Napanganga ako sa sinabi ni Rj. Bakit niya naman uutusan 'tong dalawang 'to? At bakit naman sila nag sinud-sunuran.




"B-bakit?" kunot noo akong nakatingin kay Rj habang mabilis ang pagtibok ng puso ko.




Nakatingin lang si Paul kay Rj na nag aabang sa isasagot nito habang si Junjun naman ay nilantakan na ang pagkain niya na nakapatong sa lamesa.




"None of your business." mas lalo akong napanganga sa naging sagot ni Rj.




Anong none of my business?! Ako ang pinasundan niya at may karapatan akong malaman 'yon! Bakit siya ganito ngayon?!




Gusto ko pa sana siya sagutin pero nawalan na ako ng sasabihin. Ano 'yon? Pinasundan niya ako kasi trip niya lang o baka naman... ayokong isipin na ganoon nga. Bahala na.




"Okay." tumango ako.




Tahimik lang kaming lahat habang kumakain. Nagkakaroon lang ng ingay sa tuwing may mga babae na dumaraan at binabati si Paul. Ano bang meron kay Paul? Pakiramdam ko tuloy ay may kasama akong celebrity. Kulang na lang kasi ay magpapicture na sila kay Paul sa sobrang kilig.



"Anong meron, Paul?" hindi na napigilan ni Lou ang pagtanong niya.




"Wala naman." taas noo niyang sabi. "Nagagwapuhan lang sila sa'kin."




Bilang nabilaukan si Junjun sa sinabi niya na agad naman inabutan ng tubig ni Thea. Si Rj naman ay nakakunot ang noo pero sa akin nakatingin?!




"Paul, ano ba 'yan!" iritado na sabi ni Junjun habang pinupunasan ang kaniyang bibig. "Kadiri ka," natatawang sabi niya.




"HA?! ANONG KADIRI DOON?!" aambahan na ng suntok ni Paul si Junjun pero may biglang nagsalita malapit sa amin.




"Feelingero kasi masyado." nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na si Zha ang nagsalita. Nakatingin siya ngayon kay Paul habang nakakrus ang braso sa harap ng dibdib niya.




Napanganga si Paul sa biglang pakikisawsaw ni Zha. Halos mapatayo na si Paul sa upuan niya nang tumabi sa'kin si Zha, kaharap niya na si Paul ngayon. Buti na lang ay pinipigilan siya ni Lou.




"Bakit ka nandito?" iritado na tanong ni Paul.




"Para kumain." ayan na naman siya na parang pinapamukha niya kay Paul na tanga ito.




Humagalpak sa tawa si Junjun at Rj. "Oo nga naman.." namumula na si Junjun sa kakatawa niya.




Umirap na lang si Paul at kumain. Napatingin ako kay Rj, tapos na siya kumain, nag cecellphone na lang. Nakatitig lang ako sa kaniya hanggang sa siniko ako ni Zha. Napalingon ako sa kaniya at pinagtaasan ko siya ng kilay. Tumingin lang sa'kin si Zha na parang may sinusuri sa mukha ko.




"Bakit?" tanong ko nang bumagal ang pag nguya niya. Umiling lang siya.




Masyado yatang natagalan ang pagtitig ko kay Rj kaya niya ako siniko.




"Xander!" masayang sabi ni Thea at sinenyasan niya ito na tumabi sa kaniya.




Mukhang walang kasama si Xander at may bitbit siyang mga pagkain. Sumunod na lang si Xander dahil wala na rin naman na siyang mauupuan pa.




"Oy, Xander," lumunok muna nang maayos si Paul at saka tumingin sa'kin. "Bakit pala kasama ni Cassie 'tong si Ej kahapon?"




Nawindang si Rj sa sagot ni Paul kaya agad niyang nabitawan ang cellphone niya.




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon