Ano naman ang napapansin niya? Kinabahan tuloy ako. Nanahimik na lang ako matapos niya sabihin 'yon. Ayokong marinig ang magiging sagot niya kapag tinanong ko kung ano 'yon.
Nandito na kami ngayon sa compshop. Nag fafacebook lang ako, habang si Zha ay may pinapanood na anime sa Youtube. Si Thea naman nasa likod nina Paul, pinapanood niya ang ginagawa nila.
"Paano ba 'yan? I don't understand that thing," maarte na sabi ni Thea habang pinapanood ang nilalaro na Dota nila Rj.
"Mahirap 'to, Thea." sabi ni Paul na tutok ang mga mata sa screen ng computer.
"Oh, I like that! That one character wearing a cute outfit!" excited na sabi ni Thea. "Choose it!" tinuturo-turo niya pa 'yung screen.
Umiling-iling lang si Paul. Natatawa ako dahil medyo naiirita na si Paul sa panggugulo ni Thea sa kanila.
"Come on! Try it!" pamimilit ni Thea. "You're so KJ!"
Napatingin ako kay Rj na tumigil sa paglalaro. Agad akong tumingin sa facebook ko at nag scroll. Nakikita ko sa Peripheral vision ko na tumayo siya. Tabi-tabi lang kasi kami ng upuan. Si Lou at Zha ang katabi ko.
Maya-maya lang ay may naramdaman akong kamay na pumatong sa sandalan ng upuan ko. Naamoy ko kaagad ang pabango ni Rj! Hindi ako lumingon dahil alam kong siya 'yon!
"Anong ginagawa niyo?" tanong niya.
Hindi sumagot si Zha dahil busy manood. Si Lou naman ay busy maglaro. Ako lang yata ang hindi busy para ako ang sumagot sa kaniya.
"Facebook." sagot ko. hindi siya kumibo hanggang sa naramdaman ko na lang na inalis niya na ang kamay niya sa upuan ko.
Nakita ko na bumalik na siya sa pwesto niya. Napag desisyonan ko na lang na mag Youtube at panoorin ang music videos ng EXO. Gash! Ang gagaling nila sumayaw at ang gagwapo pa!
Sinuot ko muna ang headset at nilakasan ko ang volume. Tutok lang ako sa panood hanggang sa may sumingit na tunog na galing sa facebook. Someone messaged me.
Kinabahan akong nang makita ko na si Rj ang nag message.
Rick James: bagay sayo may suot na headset hahaha
What the?! IBIG SABIHIN AY TINITIGNAN NIYA AKO NGAYON?!
Lumingon ako sa kinauupuan ni Rj pero nakabusangot lang siya at parang tamad na tamad habang may tinitignan niya sa computer. Hindi ko alam kung ano isasagot ko sa kaniya.
Ligaya: tnx.
'Yun na lang ang sinagot ko at mabilis na nag log out! Mas gusto ko pa manood ng music videos kaysa sa kabahan lang sa tuwing nagchachat siya.
Habang busy ako sa panood at feel na feel ko na ang bawat music ay nararamdaman ko na may nakatingin sa'kin. Napalingon ako kung saan ako may nararamdaman. Ganoon naman tayo diba? Sa tuwing may taong nakatingin sa'tin ay mararamdaman agad natin 'yon at mapapatingin din tayo sa kanila.
Tinaasan ko ng isang kilay ang nakatingin na si Rj sa'kin ngayon. Nakapatong ang kanang kamay niya sa lamesa at hawak ang mouse. Hindi ko malaman ang itsura niya dahil humaharang ang ulo nina Paul dahil sa kalikutan at nagsisigawan. Si Rj ang nasa pinakadulo kaya ang hirap makita.
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...