Time flies so fast.
January na agad ngayon.
Parang kahapon lang ay chirstmas party namin tapos ngayon New Year na?!
"Nagustuhan mo ba 'yung regalo ko sa'yo nung pasko?" bulong ni Rj sa tabi ko.
"Pang ilang beses mo na ba tinanong sa'kin 'yan?" natatawa na sabi ko.
Halos araw-araw niya tinatanong sa'kin kung nagustuhan ko raw ba 'yung hairclip at bracelet na mukhang mamahalin. Pareho pa 'tong color yellow.
Tuwang-tuwa ako nung christmas party dahil bumagay 'yung regalo niya sa outfit ko. Yellow dress kasi ang suot ko nun.
"Hindi ko rin alam e." He chuckled.
"Basta. Nagustuhan ko. Sobra." pinanggigilan ko ang pisngi niya.
Nahiya ako nang maalala ko na wala akong regalo sa kaniya nung pasko. Pero hindi naman ako papayag na wala na talaga kong regalo.
"Ay, wait lang. May ibibigay ako sa'yo." kumunot ang noo niya pero halata naman na excited din siya.
Kinuha ko sa bag ko ang isang manipis at pahaba na box. Hulaan niyo kung ano 'to.
"Ano 'yan?" tanong niya habang winawagayway ko ang box na hawak ko sa harap niya.
"Christmas gift." ngiting-ngiti na sabi ko.
"Ha? Tapos na pasko ah." tumawa siya at biglang pumula ang pisngi niya. Ha! Kinilig siya!
"Ih, gusto pa rin kita bigyan. Kasi diba hindi kita naregaluhan last month."
Huminga siya nang malalim. "Hay, Liya.. okay lang sa'kin kahit wala kang materyal na bagay na maibigay sa'kin.. kasi pagmamahal mo pa lang, sapat na."
Inaamin ko, kinikilig ako ngayon. Napaiwas ako ng tingin at tumingin na lang kay Zha na ngayon ay nakikipag bangayan na naman kay Paul. Bagong taon na pero hindi pa rin sila nagbabago.
"T-talaga?" sabi ko habang nakatingin naman kay Marou.
"Oo naman.." malambing na sabi ni Rj. Naramdaman ko na lang na inakbayan niya na ako. "Need mo mag ipon ng pera para sa pag aaral. Huwag sa mga ganitong bagay." pangaral niya.
Mabilis akong lumingon sa kaniya. "Hindi mo ba nagustuhan 'yang regalo ko sa'yo?" tanong ko.
Para kasing sinasabi niya na dapat ay hindi ko na siya binigyan ng regalo.
Agad siyang napailing. "Nagustuhan ko 'no! Eto naman, tampo agad." bigla niyang hinawakan ang likod ng ulo ko at hinila palapit sa kaniya sabay halik sa noo ko.
"Awit! Ang sweet!" sigaw ni Kendmar na napadaan sa harap namin, papunta na siya kay Marou. Kararating lang niya.
Natawa na lang ako sa kaniya. In fairness, nagkakamabutihan na talaga sila ni Marou! Hahaha! Nakilala na nga ng parents ni Marou si Kendmar e. Hays, ang bilis ng mga pangyayare. Parang kahapon lang ay inis na inis si Marou kay Kendmar.
Totoo talaga ang 'The more you hate, the more you love'
"Kapag inggit, pikit!" sigaw ni Rj kay Kendmar habang tumatawa.
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...