CHAPTER 23

24 2 0
                                    

"H-hindi rin pwede sa'min e." nauutal na sagot ko sabay tingin sa ibang direksyon.




Naramdaman ko na inalis ni Rj ang kamay niya sa braso ko.




"Ugh!!!" napatingala si Marou sa langit, hindi na alam ang gagawin.




May pinag usapan pa sila pero hindi ko na nasundan dahil napakatahimik ni Rj sa gilid ko. Hindi siya nakikisali sa usapan nila Lou kahit mukhang sobrang saya na nila ngayon.




"Liya," si Thea. Mabuti na lang at lumapit siya sa'kin.




"Hmm?"




"Samahan mo ako bukas sa Waltermart, may bibilhin lang ako." sabi niya, hindi ko alam kung saan siya nakatingin dahil ang mga mata ko ay binabantayan lang si Rj na ngayon ay nakapamulsa na at mukhang malalim ang iniisip.




"Liya?" niyugyog ni Thea ang braso ko, dahilan para mapalingon ako sa kaniya.




"Ha?" wala sa sarili na sagot ko.




May pakiramdam kasi ako na may mali kay Rj ngayon. Ayokong isipin na kaya ganoon ang itsura niya ngayon ay dahil katulad din nung iniisip ko ngayon..




"Sabi ko, samahan mo ako sa walter bukas!"




"Ay sorry sorry.." inalis ko ang kamay niya na nasa braso ko at ako ang humawak sa braso niya. "Sige." ngumiti ako sa kaniya.




"Thanks, Liya! Love you talaga!" kinurot niya ang pisngi ko.




Lah? Palagi ko naman siya sinasamahan sa lahat pero ngayon lang siya naging sweet!




Napatingin ako kay Rj. Kinabahan ako nang makita ko siya na nakatingin sa'kin na parang binabasa niya ang iniisip ko ngayon. Ang lalim ng tingin niya. Nakakatakot.




Naalis lang ang tingin niya sa'kin nang akbayan siya ni Junjun at dinala sa kung saan. Lahat silang boys ay magkakasama na naglalakad palayo sa'min. Kami na lang tuloy nila Zha, Marou at Thea ang nandito sa tapat ng library.




"Saan sila pupunta?" napalingon sa'kin si Zha sa tanong ko.




"Mang chichixxx daw." sagot niya sa'kin.




"Ano?!" napasigaw ako.




"Na naman?!" gulat na sabi ni Marou.




Nagkasabay pa kami ni Marou sa pagsasalita.




"Hayaan na lang natin sila, girls. Puntahan na lang natin si Nietta." sabi ni Thea at hinila na ako.




Okay lang naman kung kasama si Rj sa kanila. Ang hindi okay ay ang mangbabae lalo na't ang dami niyang pinangako sa'kin.




Pangako na hindi ko alam kung matutupad pa.




May tiwala naman ako kay Rj na hindi siya mangbabae kahit kasama niya pa si Paul. Alam ko na ako lang. Kahit walang kami.




Pero hindi pa rin ako sigurado dahil hindi naman ako girlfriend. Hindi ko alam kung ano ako sa kaniya. Basta ang sinasabi niya lang, mahal niya ako.




"Marou, payag ka?" sabi ni Zha kay Marou. "Mangbabae 'yung bebe mo?"




Kumunot naman ang noo ni Marou. "Ano?! Hindi ko bebe si Kendmar!" sigaw niya sabay hampas kay Zha.




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon