CHAPTER 2

29 0 0
                                    

"Pumayag ka na! Mabilis magdrawing si Rj." siniko ako ni Paul.




"Totoo ang sinasabi ni Paul, Leah." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Rj.




"Leah?" lumingon-lingon pa ako aa paligid namin, baka may nakikita siya na hindi namin nakikita.




"Leah ang nickname mo 'diba?" siya naman ang nakakunot ang noo ngayon.




"Liya. Not Leah. Nabasa mo naman siguro kahapon na 'Liya' ang name ko." mahinahon na sabi ko sa kaniya.




Tumingala siya, may iniisip.




"Oo nga 'no, Liya.." ngumiti siya.




"Tara na nga! Kausapin muna natin si ma'am." sabi ko at hinila ko na si Thea.




Halos umiyak na ako nang hindi pumayag si ma'am dahil 11 daw siya uuwi, eh ang uwian naming mga estudyante ay 12:30 pa ng tanghali!




"Ako na gagawa ah." bibong sabi ni Rj.




"Naks, hero!" sabi nung Junjun na palaging nakadikit kay Paul.




"Sige pero ibibigay mo sa'kin 'yung polo mo mamaya." nahihiyang sabi ko.




"Ok, deal!"




Tumingin sa'kin si Thea na may halong meaning.




"Ano?" inosenteng sabi ko sa kaniya.




"Team work." natatawang sagot niya sa'kin.




Bumalik na agad kami sa classroom, tumakbo pa kami sa kamamadali.




"Ano ba paborito mong lugar?" tanong sa'kin ni Rj habang tinatasahan ang lapis ko.




Siya ang umupo sa upuan ni Thea para matulungan ako sa drawing ko.




"Kwarto ko." gulat siyang lumingon sa'kin.




Slow motion niya pang nilapag ang pantasa sa arm desk ko.




"Bakit?" tanong ko.




"Bukod doon?" abang na abang ang itsura niya sa isasagot ko sa kaniya.




"Wala. Kwarto ko lang talaga." sagot ko habang nililigpit ang sharpener sa pencil case ko.




"May picture ka ba ng kwarto mo?" napakamot siya sa ulo niya.




"Wala e." napatingin ako sa bond paper na nasa desk niya. "Ako na lang gagawa. Salamat na lang." ngumiti ako sa kaniya at kinuha ang lapis sa kamay niya.




"Ako na." inagaw niya 'yung lapis.




"Hindi, ako na." hinawakan ko 'yung lapis na hawak niya rin at hinila ko palapit sa'kin.




"Ako na." nag aagawan na kami. "Mag iisip na lang ako ng ibang design ng kwarto." natigilan ako sa sinabi niya. "Wala na tayong oras." dahan-dahan niyang inagaw 'yung lapis at nagsimula na siyang mag drawing.




Hindi ko na siya napigilan dahil ang bilis niya gumawa! May draft na kagaad.




Maya-maya lang dumating na 'yung teacher namin. Nag aalala ako kay Rj dahil baka mahuli siya ng teacher namin na naddrawing sa likod. Panay lingon tuloy ako sa kaniya.




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon