"This is your fault." umiiyak na sabi sa'kin ni Greigh habang tinutulungan ko siya maglinis ng mga kinalat nila.
Pinagalitan siya ng todo ni papa kanina dahil hindi raw nagpaalam si Greigh na may papapuntahin pa. At ang lalong ikinagalit ni papa ay hindi man lang nila nilinis ang kalat nila.
"Bakit ako? Ako ba ang nagkalat?" inosente na sabi ko, nilagay ko sa isang plastik lahat ng paper cups.
Dumampot ako ng basahan para punasan ang mga natapon na juice sa maliit na lamesa dahil ang lagkit nito hawakan.
"Pinapalinis ko 'to sa'yo kanina 'diba? Pero hindi mo nilinis." mariin na sabi niya at patuloy ang pagtulo ng luha niya, habang ako ay nagpupunas ng lamesa.
Napailing na lang ako. Tinutulungan ko na nga, inaaway pa ako.
"May tinatawag ka na yaya kanina 'diba?" napahinto siya sa pagpupulot ng kalat. "Wala naman tayong yaya." natatawa na sabi ko sa kaniya.
"Ikaw ang tinutukoy ko!" irita na sabi niya. May binato pa siya sa direksyon ko na maliit na crumpled paper.
"Uulitin ko, hindi mo 'ko yaya. Pwede ka naman humingi ng tulong sa'kin lalo na kung kailangan mo maglinis ng bahay. Hindi naman kita tatanggihan pero huwag naman sana na ipakilala mo 'ko sa mga kaibigan mo bilang yaya mo." mahinahon na sabi ko sa kaniya.
Salubong lang ang kilay niya habang nakatingin sa'kin. Tinarayan niya lang ako at kinuha ang walis tambo, pagkatapos non ay padabog siya na nagwalis.
Kahit naman ganiyan kasama ang ugali ni Greigh, hindi ko siya tatanggihan kapag kailangan niya ng tulong. Ayoko lang nung ginawa niya kanina na tinawag akong yaya.
Hindi ako nag aaral ng mabuti sa isang eskwelahan para lang tawagin na 'yaya'.
Makalipas ang ilang araw, hindi ko na talaga pinansin si Rj. Hindi na rin siya nangungulit na sabay kami umuwi. Kina Lou na siya nasabay.
"Hindi na kayo sabay ni Rj umuwi?" tanong sa'kin ni Thea.
"Hindi na e."
"Why?" bigla siyang bumusangot.
Nagkibit-balikat na lang ako at iniba ko ang topic namin.
Napatingin ako kay Rj na busy makipagdaldalan kina Paul. Nagulat na lang ako nang biglang lumingon si Paul sa'kin!
Umiwas agad ako ng tingin at kunware may sinusulat ako sa notebook ko. Ilang segundo lang ay biglang sumigaw si Paul.
"Oy, Liya!" sigaw si Paul. "Miss ka na raw kasabay ni Rj!" tumawa siya nang malakas.
Naramdaman ko na parang nag init ang pisngi ko, tinaasan ko lang siya ng isang kilay at lumingon na lang kay Thea.
"Bakit?" sabi ko kay Thea na ngiting-ngiti na ngayon sa harapan ko at ngumunguso-nguso sa direksyon nina Rj.
Mas lalong nag init ang pisngi ko sa mapang asar na itsura ni Thea! Yumuko ako at pinapatuloy ko na lang ang ginagawa ko sa notebook ko.
Naririnig ko ang pang aasar ni Junjun at Paul kay Rj. Gusto ko man makita ang istura ni Rj pero ayoko sila lingunin! Wala kasi akong marinig na boses ni Rj. Ni-hindi ko alam kung naiirita ba siya sa ginagawa ng mga kaibigan niya o hindi e.
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...