CHAPTER 3

31 2 1
                                    

"Ay! No!" bawi ko agad. "Mali! Mali 'yung naisagot ko!" natataranta na sabi ko.




"No?" nakangising sabi ni Rj.




"Yes!" nasstress na sabi ko.




"Okay, yes!" tinaas niya ang dalawang kamay niya na parang nagwagi sa pakikipagsuntukan.





"What? No!" inis na sabi ko. "I said, NO!"




Nakangiti lang si Rj sa harapan ko. Si Thea gulat na naman ang reaksyon at umiling-iling ako sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata ko.




"Bawal na magbago ng sagot." natatawang sabi ni Rj.




Sasagot pa sana ako pero pumagitna sa'min si Junjun.




"Uunahin niyo pa talaga 'yan?" dismayado na sabi ni Junjun, naka krus na ang braso niya sa harap ng dibdib niya.




Hinampas ko si Rj gamit ang polo niya.




"Pinapatawag tayo ni ma'am Emily. May nagsumbong daw." gusto ko na maiyak!




Pangalawang linggo pa lang namin sa school pero ganito na agad ang mararanasan ko huhu.




Nanlaki ang mga mata ni Rj sa sinabi ko.




"W-weh?" kitang-kita ko sa mukha niya na kinakabahan na rin siya.




"Bobo ka." binatukan ni Junjun si Rj. "Kanina ko pa sinasabi e!"




Kumunot ang noo ni Rj habang nakahawak sa batok niya.




"Ikaw ang bobo! Wala ka namang sinasabi sa'kin!" sagot ni Rj habang tinuturo si Junjun.




"Ayaw mo kasi makinig--"




"Oh, oh, tama na 'yan!" awat sa kanila ni Paul. "Pareho kayong bobo, okay?"




"Ano ba, puro bad words lumalabas sa bibig niyo." irita na sabi ko.




Tumigil silang tatlo at naglakad na kami ni Thea.




"Bakit niya kayo kailangan ilaglag 'no?" sabi ni Thea sa'kin. "He's annoying."




"Ni Yhulo?" lumingon ako sa kaniya at tumango siya. "Ewan ko rin, baka may magandang rason naman siya kaya niya nagawa 'yon."




Huminga ako ng malalim.




"Kasalanan din naman namin kasi nagsinungaling kami."




Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito.




"Kumuha kayo ng 1 whole sheet of pad paper." utos sa'min ni ma'am Emily.




Nagkatinginan kami ni Thea.




"Kayong dalawa lang, the rest pwede na umuwi." matalim na sabi ni ma'am Emily habang nakatingin siya sa'min ni Rj.




Nasa labas kami ng faculty ni ma'am. May mga lamesa naman sa labas kaya doon umupo sina Thea kasama sina Junjun.




"Ano po gagawin namin ma'am?" nagulat ako sa sinabi ni Rj kay ma'am.




"May sinabi ba ako na magtanong ka?" inis na sabi ni ma'am pero kalmado pa rin siya.




Napakibit-balikat na lang si Rj at nagpatuloy na lang sa paghalungkat sa bag niya. Papel lang naman kukunin niya pero ang tagal niya.




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon