CHAPTER 49

26 2 7
                                    

"We're here." pinark ni mama ang sasakyan sa tapat ng isang..




Park??




"Ma, ano gagawin natin dito sa park?" kunot noo na tanong ko sa kaniya. "Maglalaro ba tayo?" hindi ko napigilan ang pagkatuwa ko.




Kung maglalaro kami, edi sana sinama na namin si Greigh! Sayang naman.




"Did you bring your tissue?" Kumunot ang noo ko.




Ano ba meron sa tissue?!




"Opo," inangat ko 'yung tissue na hawak ko.




"Bakit ang konti?" react niya na parang dapat ay marami akong dinala.




"Uh, k-kailangan po ba mara--"




"Nevermind. Okay na 'yan." bumaba na si mama ng sasakyan kaya bumaba na rin ako.




Ayoko maiwan dito mag isa sa kotse 'no. Mamatay pa ako e.




Umupo kami ni mama sa may bakanteng upuan dito sa Park. 'Yung totoo? Tutunganga ba kami rito? Kasi mukha namang hindi maglalaro dito si mama.




"Ma, ano gagawin natin dito?" tanong ko ulit.




Hindi siya sumago dahil may tinignan siya sa phone niya. Napahinga na lang ako nang malalim. Siguro magpapahangin lang kami dito.




Pinagmasdan ko na lang si mama at inaabangan ko kung may sasabihin ba siya hanggang sa napansin ko na pinagpapawisan siya kahit malamig naman! Naka long sleeves pa nga ako e.




"Okay ka lang, ma? Pinagpapawisan ka? Ang lamig naman ah? Oh," inalok ko sa kaniya 'yung tissue para punasan niya ang pawis niya. Umiling lang siya sa'kin.




Hay nako! Wala naman akong magagawa. Hindi ko naman siya mapipilit. Sa cold sa'kin ng nanay kong 'to, mapipilit ko ba siya? Hindi.




Maya-maya lang, may natanaw ako na pamilyar sa'kin. Naningkit ang mga ko, sinusuri kung siya ba talaga iyon. Nagulat ako nang malaman na siya nga iyon!




Kinabahan ako bigla. Hindi ko pa kaya harapin ang tatay ni Rj! Baka ma-hot seat lang ako!!!




"M-ma.." kinalabit ko si mama. "Umalis na tayo rito, ma!" natataranta na sabi ko at saka ako tumayo "Nandito si Rj, ma!" hinila ko na siya pero hindi siya nagpahali. "Ma? Ma, tara na!"




Nagtaka ako nang hindi man lang siya nagreact. "Dito lang tayo, Liya. May kailangan kang makilala." kumunot ang noo ko. "Ang tatay mo. Nandito na siya."




Ano raw?



Ang tatay ko? Nandito?




"H-ha?" napalingon ako kay Tito Raymond na palapit sa'min ngayon at nakangiti..




Nakangiti sa akin.




Bumalik ang tingin ko kay mama na nakatingin din sa kaniya.




Ano 'to? Anong meron?




Hindi ko alam pero para na akong maiiyak. May naiisip ako na ayokong isipin!




'Nandito si Tito Raymond, ma!'




pero parang wala lang sa kaniya.




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon