CHAPTER 25

28 3 0
                                    

RJ's POV


"'Yan tuloy, nauna na si Marou umalis." napairap si Kendmar sa sinabi ni Lou.




Pinagmamasdan ko lang si Marou na palayo sa'min. Wala nang nagbalak pa na pigilan siya dahil alam naman namin na ayaw niya na talaga sumabay dahil sa transferee na lalakeng 'to.




Ewan ko ba. Simula nung dumating siya, palagi nang highblood si Marou.




"Tss. Topakin." bulong ni Kendmar sa hangin.




"Isa pa, Kendmar, sasapakin na kita." banta ni Paul.




Umiwas muna ako sa kanila saglit. Kinuha ko ang phone ko at nag text kay Liya.




To MahaLiya:

Ingat kayo ni Thea. Huwag magpapagabi sa daan. Wala ako sa tabi mo ngayon, baka kung ano pang mangyare sa'yo. Masyado ka pa namang maganda.




Napangiti ako sa sarili kong text. Hindi ko pa rin talaga mapigilan na kiligin.. Pakiramdam ko tuloy ay nababakla na ako.




Napawi bigla ang ngiti ko nang maalala ko kung bakit ako nagtampo kay Liya.




*Flashback*




Problemado na ngayon si Marou dahil wala na nga kaming matutuluyan na bahay bukas, napalabas pa kami sa library dahil kay Kendmar na kinabubwisitan niya.




"Bawal ang bahay nitong mga boys, kay Thea bawal din dahil may bisita sila na darating sa sabado. Si Zha naman, ayaw niya sa hahay nila. Sa amin naman, bawal din. Si Nietta, hindi ko pa alam. Nasa clinic pa kasi siya, masakit pa rin ang puson." sabi ni Marou.




Nakita kong napatingin si Marou sa katabi kong si Liya.




Oo nga 'no! Kila Liya para..




Para mapakilala niya na rin ako sa parents niya! Tama! Ang sabi niya, kapag may mga activity tapos sa bahay nila gagawin, doon niya na ako ipapakilala.




"Pwede ba sainyo, Liya?" tanong sa kaniya ni Marou. Napansin ko naman na biglang natigilan si Liya.




Tahimik lang ang lahat. Hinihintay ang sagot niya. Para siyang nahihirapan sumagot. Oo o hindi lang naman pero hindi pa rin siya makasagot..




"Oo nga 'no!" pag singit ni Thea. "Para makapunta na rin ako sa bahay niyo, Liya!"




Nakita kong napalunok si Liya at nag iwas ng tingin. Panay ang tingin niya sa sahig at parang hindi mapakali.




"Liya?" hinawakan ko na ang braso niya.




Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kaniya ngayong oras na 'to.




Kumunot ang noo ko nang makita ko na hindi talaga siya mapakali.




At ang tagal-tagal niya sumagot!




Umiling na lang ako sa naiisip kong dahilan kung bakit hindi siya sumagot.




"H-hindi rin pwede sa'min e." tuluyan bumagsak ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa braso niya.




Bakit siya nauutal?




Narinig ko ang pag react ni Marou.




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon