CHAPTER 33

21 2 1
                                    

Tama si Rj.




Dahil ngayon..




Pagkagising ko..




May na!




Arggg!! Parang kahapon lang ang recognition nila Marou!!




Nakakainis na nakakaba na nakakaexcite!




Hay sa wakas! After 1,000 years ipapakilala niya na rin ako sa mga magulang niya!




Hahahaha. Pero ako hindi ko pa rin siya maipakilala. Well, naiintindihan niya naman lalo na dahil ayaw nga ni mama.




Pero walang magagawa si mama. Eto na kami e. Mabuti nga at tinigilan na ako ngayon ni mama.




"Aalis ulit kami next week, isang linggo ulit kami wala rito sa bahay." narinig ko ang boses ni papa galing sa sala.




Agad akong napatayo at dumiretso sa kanila. Nakita ko si Greigh na tinutulungan si papa mag empake ng mga gamit nito.




"Oh, Liya, gising ka na pala," sabi ni papa. "Tulungan mo na mama mo mag empake. Nasa kwarto siya." utos niya habang abala pa rin sa paglagay ng mga gamit sa maleta niya.




Tumango ako. Naghilamos muna ako bago ako dumiretsyo sa kwarto nila mama.




"Ma," lumingon siya sa'kin.




"Bakit?" ang cold niya pa rin.




"Kailan po alis niyo?" tanong ko at dumiretsyo na sa mga maleta na na nakasalampak sa kama.




"Bukas ng umaga."




Tumango na lang ako at tinulungan siya mag ayos. Sobrang tahimik namin. Nakakabingi!




"Saan po pala punta niyo?" tanong ko habang nagtitiklop ng damit niya.




"Singapore."




Wala na. Wala na naman ako masabi.




"Okay. Ingat po kayo roon." sabi ko pero hindi siya sumagot. Lumabas lang siya ng kwarto, may kukunin yata sa labas.




Napabuntong hininga ako. Hindi niya ba narinig 'yung sinabi ko?




Nang matapos kami mag empake. Nagulat ako nang bigla akong hinila ni Greigh papasok sa kwarto niya.




"Bakit?" tanong ko habang hila-hila niya.




"Narinig ko kayo ni mama!" masayang sabi niya. "Okay na kayo?"




"Ewan ko nga e." nalulungkot ako.




Sanay naman ako na cold ang trato sa'kin ni mama simula pa noon pero parang iba 'tong ngayon.




"Lol. It's okay. I'm here naman for you." sweet na sabi niya at niyakap niya ako.




Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba you hate hugs?" nakayakap pa rin siya sa'kin.




"Shut up and just hug me." mataray na sabi niya.




Natawa tuloy ako kaya niyakap ko na rin siya pabalik.




Nang matapos ang moment namin ni Greigh, nag lunch na kami. Ang daming bilin ni papa. Kung may lalabas daw sa'min, dapat isa lang tapos 'yung isa maiiwan dito sa bahay. Dapat ay tatawag din kami sa kanila kung may aalis man.




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon