Greigh's POV
"Greigh," napalingon ako kay mommy.
"Yes po?" busy ako sa paggawa ng project na 'to.
"Kumusta si Liya?" mom asked.
Napahinto ako. "She's.." napaharap ako sa kaniya at huminga nang malalim. "..not okay."
She's always crying, sad, hindi makakain ng maayos, madalas tulala. In short, devastated.
Nalulungkot ako para sa kaniya. Hindi na siya 'yung Liya na masayahin na kilala ko. She changed. Alot.
Napahawak si mommy sa noo niya. "Make sure you are always there for her, okay?" Ngumiti siya sa'kin. "Can you do that for mommy?" 'Yung ngiting pagod.
I nodded. "Of course, I'll not leave her." coz she's my sister. Maybe not by blood, but by heart.
"Good. That's my girl." she smiled sweetly.
Aalis na sana siya pero may naalala ako na dapat kong itanong.
"Mom, wala pa rin idea si Liya kung bakit biglang umiwas sa kaniya si kuya Rj.." nakatingin lang siya sa'kin, walang reaksyon. "By any chance.. may kinalaman ka ba rito, mom?"
She closed her eyes a bit, might thinking about something. "Yes."
Nagulat ako sa sagot niya. "But, mom, how? When?" kunot noo na tanong ko.
"It just happened. I didn't mean it. I didn't had a plan to tell Rj the truth pero mapaglaro talaga ang tadhana, Greigh."
Napatakip na lang ako sa bibig ko sa gulat. Omyghad!
"You mean.. alam na ni kuya Rj? And totoo talaga na magkapatid sila?" mahina na sabi ko, natatakot ako na baka biglang sumulpot si Liya.
"Yes, alam niya na lahat bago pa ako magsalita." malungkot na sabi ni mommy.
Naaawa rin tuloy ako kay mommy. Mukhang nahihirapan siya sa sitwasyon ni Liya at kuya Rj.
"Tomorrow na ang christmas party nila, mom. And may plano si ate Liya na tanungin na si kuya Rj kung bakit, hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman." nakaramdaman ako ng kaba. "You need to stop her, mom."
Hinawakan niya ang kamay ko. "You know I can't do that. Hindi siya makikinig sa'kin. I think.. you are the one who can stop her."
"But mom, how??" wala akong plano na pigilan siya.
Dahil akala ko ay naging cold lang talaga si kuya Rj dahil nagsawa ganoon. Hindi ko naman ineexpect na alam niya na pala! Myghad!
"I.. I don't know, Greigh.. Gawin mo na lang ang pwedeng paraan para hindi siya pumunta bukas. Try to ask her to go out with you--"
"No, mom! Christmas party rin namin bukas." tumayo ako. Nastress ako bigla.
"Greigh, please." pagmamakaawa ni mommy. "For Liya.."
"Mom, bakit kasi hindi na niyo na lang sabihin sa kaniya ang totoo? Now na." napapikit ako sa tanong ko.
"Humingi ng pabor sa'kin si Rj." bigla akong napadilat. "Huwag ko raw sasabihin, sila na raw ang bahala magsabi at magpaliwanag."
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...