"Alam ko, hindi ko ipagkakalat." siya naman ang tumawa ngayon.
"Zha.." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya! Hindi naman 'oo' ang sagot ko sa sinabi niya at hindi rin naman 'hindi'
"Simula noong nakahalata ako.. pinanood ko na ang mga kilos mo." ngumisi siya.
What the?! Ibig sabihin.. sa bawat galaw ko kay Rj ay nanonood siya?! Omyghad. Hindi ko man lang naisip na may mata pala na nagbabantay sa'kin. I'm dead. This is not good.
"K-kailan ka nakahalata?"
"Huli ka," natawa na naman siya. "Sabi na e." umiiling-iling siya.
Kumunot ang noo ko. Ano ba ang sinasabi niya? Hindi ko na siya maintindihan.
Nakatingin lang ako sa kaniya at nahalata niya rin na para akong nagtatanong kahit hindi nagsasalita.
"Diba, sabi ko nakahalata ako. Ibig sabihin may nahalata ako na 'something'" pinagdiinan niya na 'yung word na 'something'. "Syempre, kung ako ang nasa kalagayan mo pero alam ko naman sa sarili ko na wala naman akong something na nararamdaman para kay Rj, hindi ako magtatanong sa'yo kung kailan ka nakahalata. Dahil wala naman akong nararamdaman para sa kaniya."
Kitang-kita ko sa mga mata ni Zha na para siyang nagtagumpay. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko magawang magsalita.
"Kung wala ka talagang nararamdaman, siguro ay iba ang naging sagot mo sa'kin kanina." ngumisi siya. "Pwedeng.. 'anong pinagsasabi mo?' , 'anong something?'. Magmumukha kang inosente sa paningin ko at walang alam sa sinasabi ko kapag ganoon."
Tumawa ako ng pilit para mawala ang kaba ko. "Kung ano-ano ang sinasabi mo, Zha!" tumawa ulit ako. "Tara na nga sa loob!"
"Liya, huwag ka na makipaglokohan sa sarili mo.." seryoso niyang sabi. "Hihintayin mo pa ba na siya pa ang makahuli sa'yo?"
Wala na akong ibang marinig kundi ang lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay lalabas na ito sa sobrang bilis.
"Zha." napalingon ako kay Paul na nasa likuran ko. "Liya," tumingin lang siya sa'kin na parang sinasabi na umalis na ako.
Hindi na ulit ako lumingon kay Zha sa sobrang kaba. Pumasok na lang ako sa loob ng classroom. Sobrang nanlalamig ang mga kamay ko, may halong panginginig din kaya kinukuyom ko ito.
Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Zha kanina. Kung may isang tao na nakakahalata, paano na lang ang ibang tao rito na ka-IQ ni Zha? Malamang ay nakakahalata rin sila pero hindi lang nagsasalita.
Paano kung nakakahalata na rin si Thea? Mas lalong tumaas ang balahibo ko nang maalala ko ang binulong niya sa'kin kanina. Hindi kaya may alam siya? nakakaramdam din siya? Mas matagal ko na siyang kasama, baka may nahahalata na rin siya? Jusko. Mababaliw na ata ako!
"Namumutla ka, Liya?" salubong sa'kin ni Xander na palabas ng classroom namin.
"H-ha?! Ay! Ano.. uhm.. nauuhaw kasi ako." mabilis kong kinuha ang tubigan ko at nilagok ang laman nun.
"Tagal niyo ni Zha mag usap ah," tumabi sa'kin si Junjun. "Nainip tuloy si Paul kaya pinuntahan na kayo."
Niligpit ko muna ang tubigan ko sa bag ko.
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...