"Anong manhid ang sinasabi mo, Paul?" nag iwas ako ng tingin. Kinikilabutan ako sa mga titig niya, para siyang si Zha.
"Liya, alam mo naman siguro na may gusto sa'yo si Rj."
Napunit 'yung pinagddrawinggan ko dahil sa pagkukuskos ko ng pambura roon at dahil na rin sa gulat.
"Shit." napahawak ako sa noo ko.
Nakatingin pa rin sa'kin si Paul at pinagmamasdan niya lang ako. What? Wala akong alam sa sinasabi niya.
"Hindi ko alam." kinakabahan na ako. Parang ayoko na marinig ang mga susunod niya pang sasabihin.
"Manhid ka nga." matabang na sabi ni Paul atsaka siya tumayo at iniwan ako mag isa rito.
Habang papalayo si Paul ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Anong sinasabi niya? Hindi ko maintindihan!
May gusto sa'kin si Rj? Posible ba 'yon?! Kaya niya ba ako niyayaya na makasabay umuwi dahil may lihim siya na pagtingin sa'kin? Kung ganoon, bakit hindi niya sinabi agad?
At higit sa lahat bakit may nararamdaman akong tubig na dumadaloy sa ulo ko pababa sa batok ko...
"Hala, Liya! Sorry!" rinig kong sigaw ng isang lalake sa likuran ko.
Agad akong napatayo at iniwas ang notebook ni Thea. Mas mahalaga ang notebook niya 'no! Malapit na ako matapos sa ginagawa ko, mababasa pa.
"Okay lang, Rudolf." sabi ko kahit hindi ko alam kung sinadya niya ba 'yon o hindi.
Wala pa rin ako sa sarili ko kaya hindi ako makapag react ng maayos sa nagawa niya. Ang nasa isip ko lang 'yung ngisi ni Zha at mga sinabi ni Paul.
Kumunot ang noo ko nang maisip ko kung paano natapon sa'kin 'yung tubig ni Rudolf.
"H-hindi ko namalayan na ano.. n-na nakatabingi 'yung t-tubigan k-ko." nauutal-utal na sabi niya. "Eto kasi si Reiñel e!" siniko niya 'yung katabi niyang lalake na nakatungo na ngayon.
Mukha namang hindi niya talaga sinasadya. Natapunan lang talaga ako dahil sa sobrang likot nila. Nag abala pa siya kanina na punasan ang batok ko. Hinayaan ko na lang na gawin niya 'yon dahil nagpupumilit siya.
"Anong ginagawa mo?" napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Rj sa harap ko.
Kanina pa ako nakayuko kaya hindi ko napapansin kung sino ang mga lumalapit sa'min.
Nag angat ako ng tigin kay Rj na ngayon ay matalim na nakatingin kay Rudolf. Pakiramdam ko ay sinusumpa niya na si Rudolf sa isip niya.
"Pinupunasan ko--" biglang inagaw ni Rj 'yung towel na hawak ni Rudolf. Mas naging matalim ang tingin sa kaniya ni Rj.
"Ako na." malamig na sabi ni Rj.
Lumakas na lang ang pagtiboj ng puso ko sa ginagawa niya. Tinitigan niya lang si Rudolf hanggang sa umalis na lang ito.
Naramdaman ko na lang na may towel na dumampi sa batok ko. Alam kong si Rj na 'yon. Nagtaasan ang balahibo ko nang maramdaman ko naman ang daliri niya sa batok ko.
Gustong-gusto ko na siya tanungin kung bakit niya 'to ginagawa pero wala akong lakas ng loob. Natatakot ako na magkaroon ng mali sa sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...