CHAPTER 18

22 0 0
                                    

Noong whole first quarter, wala pa naman masyadong issue sa'min ni Rj. Hanggang sa nakapag exam na kami. Maliban lang sa pang aasar ni Paul at Junjun sa amin. Pero tumigil din sila, hindi ko alam kung bakit. Siguro ay napagod na rin sila sa kakaasar. Tapos ngayong malapit na mag exam para sa second grading, tuluyan na ngang nahulog si Rj. Hindi ako makapaniwala na crush niya ako. Hindi rin ako naniniwala dahil hindi naman sa kaniya nanggagaling.




Sinubukan ko naman pigilan lahat. Pati 'yung pagseselos ko kay Cassie noon. Oo nagselos ako, pero ayaw ko aminin sa sarili ko. Hanggang ngayon ay nagseselos pa rin ako sa mga babae na kaibigan niya. Naiintindihan ko naman na malapit siya sa mga babae dahil silang dalawa lang ng mama niya ang magkasama palagi.




Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa sinabi ni Thea sa'kin noong nakaraang linggo. Puro na lang pag iwas ang ginagawa ko kay Rj dahil sa nasabi niya. Hindi na ulit kami nagkakasabay sa pag uwi. Palagi kasi silang may basketball after class. Hindi rin naman ako nagsisisi na nagsabi ng totoo sa'kin si Thea, samantalang sina Paul ay tinatago pa rin ito. Nagkukunwari na lang ako na walang nalaman.




"Hindi pa rin ako makaiwas sa pagsunod-sunod ng tingin sa'kin nina Paul, Thea." nai-stress na sabi ko.




Hanggang ngayon ay panay pa rin ang pagtitig nila sa'kin. Si Rj naman ay hindi man lang tumitingin sa'kin.




"I already told you, ginagawang mata ni Rj sina Paul." natatawang sabi niya. "Masasanay ka rin."




"Pero hindi ako komportable, palagi na lang ako kinakabahan sa tuwing nakatingin sila sa'kin." reklamo ko sa mahinang boses. Ayokong may makarinig sa'min.




"Then you should stop drinking coffee." ngumisi siya. "Masyado ka ng nerbyosa, Liya." humalakhak siya.




Hindi ko alam pero gusto ko na mainis kay Thea sa mga sinasabi niya. Tinatawanan niya lang ako palagi sa tuwing kinakabahan ako.




Ngayon ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat. 'Yung pinasundan niya ako noon kina Paul, ang palaging pagbuntot sa'kin nina Paul kapag wala siya. Sa tuwing binibigyan ako nina Paul ng pagkain na hindi naman daw galing sa kanila.




Tama. Ginagamit ni Rj sina Paul para... hindi ko alam kung ano ang tamang salita sa mga ginagawa niya.




"Exam na natin bukas, focus on your study. Huwag mo na sila masyadong isipin." ngumiti nang malawak si Thea. Napansin ko na humahaba na ang buhok niya.




Sumang ayon ako kay Thea. Exam na namin bukas at kailangan na naman magsunog ng kilay.




Naging busy ako ng mga sumunod na araw dahil sa pag rereview at sa mga exams. Gusto ko mag focus, gusto ko makakuha ng mga matataas na grade para naman maging proud sa'kin sina mama.




"Mabuti na lang tapos na kami mag exam last week." napatalon ako sa gulat sa pagsulpot ni Greigh sa likod ko.




"May kailangan ka?" tanong ko sabay tinabi ang highlighter pens ko.




"Wala. Kailan ba ako nagkaroon ng kailangan sa'yo?" masungit na sabi niya at nagmartsa palabas ng kwarto ko.




Kumunot ang noo ko. Ano na naman problema niya? Hindi ko na alam kung ano ang status namin e. Kung okay ba kami o hindi? Kasi kinakausap niya na ako na parang tao ngayon. Hindi na katulad ng dati. Ibang-iba na ngayon pero masungit pa rin siya. Sinasabayan ko na lang para wala ng gulo. I'm quiet happy on her actions, though.




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon