CHAPTER 21

24 0 0
                                    

Ilang buwan na rin ang nakalipas at second year highschool na kami ngayon. Ganoon pa rin ang status namin ni Rj, nagkakaroon kami ng tampuhan pero hanggang doon lang 'yon. Hindi naman kami umaabot sa malalang away.




Masaya ako sa kung anong meron sa amin ni Rj sa loob ng eight months na pagiging M.U. hindi ko matukoy kung M.U nga ba kami dahil hindi niya naman iyon kinukumpirma.




"Marou's here," sabi ni Thea sa tabi ko, nasa labas kami ng classroom namin. Kumakain si Thea ng maruya na binili namin kanina bago kami pumasok dito sa school.




Napalingon ako kay Marou na naglalakad palapit sa'min. Nang makalapit siya sa'min ay inalok siya ni Thea ng maruya niya. Tinanggap naman 'yon ni Marou. Sa totoo lang, si Marou ang pinakamaganda sa tropa namin.




"Asan si Nietta?" tanong sa'min ni Marou habang may hawak na maruya.




Sinagot naman siya ni Thea na baka nang huhunting na naman ng mga gwapong lalake. Hays, Nietta! Nahawa sa kaniya si Marou, actually.




Nagpaalam na sa'min si Marou na mauuna na siya sa classroom. "Miss ko na si Marou," biglang sabi ni Thea habang ngumunguya sa gilid ko.




"Ha?" kumunot ang noo ko. "Kadadaan niya lang dito, miss mo na agad?" natatawa na sabi ko.




"I mean, parang dati lang tayo ang palagi niyang nilalapitan, right? Then nung nag transfer dito si Nietta, sila na ang nagkasundo at palaging magkasama." sabi niya.




Natatawa ako sa kaniya dahil mukha siyang nagseselos. Pero hindi naman ganoon ka-immature si Thea para pag awayan pa ang ganitong bagay. Sinasabi niya lang 'yung mga saloobin niya.




"Normal lang 'yon, mag ka-vibes kasi sila." ngumiti ako sa kaniya. "Tyaka ano ka ba! Ang tagal na natin magkasama ngayon mo lang 'yan sinabi!"




"E, syempre. Ngayon ko lang naisip e."




Pumasok na kami ni Thea sa room. Naabutan namin si Marou at Nietta na nagsisigawan. Tahimik lang ako na pumunta sa upuan ko, katabi ng pader. Katabi ko palagi si Thea, sa tabi niya ay si Zha. Sa likod ko naman ay si Marou at Nietta at sa likod naman nila ay ang mga boys, sa likod ni Marou si Rj.




Hindi na kami gaanong nagtatabi ngayon ni Rj. 'Yan ang naging usapan namin, mas gusto na namin mag focus sa pag aaral. Hindi rin naman kami masyadong lumalabas ni Rj noon na katulad ng ibang couple na nag ddate.




Ay wait, hindi naman pala kami couple. Wala namang kami e.




Tyaka paano kami lalabas kung hindi naman ako pinapayagan lumabas? Ayoko rin naman magsinungaling kina mama.




"Hoy, Maroupok! Sama ka ba sa'min mamaya?" narinig ko na tanong ni Rj sa likod. Lumingon ako sa kanila.




"Where?" sagot naman ni Marou.




"Park." sagot ni Rj. Nakita niya ako na nakatingin sa kaniya kaya ngumiti siya sa'kin.




Ngumiti rin ako syempre. Ayokong isipin niya na may problema na naman ako. Madalas niya kasi ako pinagdududahan kapag hindi ako ngumingiti pabalik sa kaniya.




Mabilis lang natapos ang klase namin ngayon. Hindi ko alam kung sino ba ang nakaisip ng ideya na pumunta ng park. E, 7 PM ang uwian namin! Kung last year ay pang umaga kami, ngayon ay pang hapon na.




"So...anong gagawin natin sa park mamaya?" kunot noo na tanong ni Zha.




"I don't know. Bigla na lang din ako niyaya nina Paul e." sabi ni Thea.




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon