CHAPTER 27

23 1 0
                                    

Dali-dali akong tumakbo palabas sa kwarto ko. Nakita ko pa si Greigh inaayos ang belt niya habang nakatayo malapit sa sofa.




Sobra akong kinakabahan habang papunta sa garage habang hawak ko ang bwisit na cellphone na 'to na wala naman palang load! Nakalimutan ko magpa-load!




"Saan ka pupunta?" bungad sa'kin ni mama nang nakita niya na na palabas ng gate.




"Pa-load lang po." hindi na ako nakalingon sa kaniya dahil sa kamamadali. Agad ko na binuksan ang gate at kumaripas ng takbo.




Napatigil ako sa pagtakbo nung natanaw ko si Rj na parang namamasyal lang habang naglalakad.




Kinalma ko na ang sarili ko at naglakad na rin palapit sa kaniya. "Anong ginagawa mo?" tanong ko.




"Naglalakad. Papunta sa bahay niyo."




"Alam ko. P-pero kasi hindi mo naman ako kailangan sunduin." mahinahon na sabi ko. Napatitig naman siya sa'kin dahil doon. Pakiramdam ko ay mukhang mali ang pagkakaintindi niya.




"Okay." sagot niya sabay talikod.




"Wait!" pagpigil ko. "Ano nangyare kay Xands?" eto naman talaga ang dahilan kung bakit siya nandito.




Nagkibit-balikat lang siya. "Si Thea naka-ready na raw." lumingon siya sa'kin. "Ikaw na lang hindi."




Napatingin ako sa sahig. Suningitan niya ba ako? Bakit parang ang sungit pakinggan nun.




"O-okay.. sorry. Pasok ka muna sa bahay, wait mo ako magbihis." hindi ko na siya pinagsalita, hinila ko na siya papunta sa bahay namin.




Nanlalamig ang kamay ko habang papalapit kami sa bahay. Sakto pa na lumabas si mama para magdilig, napabitaw tuloy ako kay Rj.




"Uhm, ma." lumingon sa'kin si mama sabay tingin kay Rj na nasa likod ko.




HINDI KO ALAM KUNG PAANO AKO MAGPAPAALAM AT PAANO IPAPAKILALA SI RJ.




"P-punta lang po kami sa hospital, naasksidente po kasi ang kaibigan na--"




"Sige." pagputol niya sa'kin habang nakatitig pa rin kay Rj.




"U-uh," napalingon ako kay Rj na nakangiti lang ngayon kay mama.




"Hi po!" sabi ni Rj.




"Ma, si Rj po." hinarap ko si Rj kay mama. "Kaibigan ko."




Nakatitig pa rin si mama kay Rj na parang sinusuri niya ito. Napansin ko naman na biglang nailang si Rj sa tingin sa kaniya ni mama.




"Bihis na po ako--"




"Sino mga magulang mo?" Nanlaki ang mga mata ko sa biglang tanong ni mama kay Rj!




Nagkatinginan kami ni Rj. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at parang maiihi na ako rito sa kaba!




Bakit naman kailangan itanong ang pangalan ng mga magulang? Hindi niya pa nga tinatanong ang buong pangalan ni Rj e.




"Emalyn po. Emalyn Medina." magalang na sagot ni Rj.




Kumunot ang noo ko nang biglang nabitawan ni mama 'yung hose na hawak niya. Napaiwas din siya ng tingin kay Rj para pulutin 'yon. Hindi naman 'yon pinansin masyado ni Rj.




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon