CHAPTER 31

28 1 2
                                    

"Greig, sigurado ka ba sa nakita mo?"




Tumayo si Greigh at lumapit sa study table niya. "Actually, hindi." she chuckled. "Pero last-last month ko pa kasi nakita 'yon, medyo blurry na rin sa mind ko 'yung image..."




"Pwede mo bang kunin 'yung picture na sinasabi mo? Tapos dalhin mo rito." sabi ko.




Ewan ko ba pero kinakabahan ako.




"Ay, hindi ko sure kung saan na nakalagay 'yon ngayon." bumalik ulit siya sa tabi ko. "Pero try ko hanapin, next time."




Natahimik ako saglit.




"Kaya siguro galit si mama kay Rj kasi may kamukha siya na.. baka naman ex ni mama 'yon?" bulong ko sa kaniya, baka kasi may makarinig.




Kumunot ang noo niya. "Luh, ano 'to? Parang teleserye lang? 'Yung ex ni mama ay tatay ni kuya Rj?" humalakhak siya. "O kaya kamag anak ni kuya Rj. Impossible."




"Ewan ko sa'yo!"




"Or baka naman that guy was a friend of our mom. Don't think of such things." Nagkibit-balikat siya. "Pero eto ah, nung nakita ko kasi 'yon, inabot ko agad sa kaniya tapos ayon hindi ko na alam kung ano ginawa niya roon sa picture. Busy rin kasi ako magtingin-tingin sa iba pang pictures kaya hindi ko na siya pinansin." paliwanag niya.




Huminga ako nang malalim. Bakit parang pakiramdam ko may connection lahat?




O napapraning lang ako?




"Anyway don't mind it. Marami naman talagang magkakamukha sa mundo." sabi niya nang mapansin na tulala na ako.




"Yeah.." pagsang-ayon ko ngunit labag pa rin sa loob ko. "Sabi nga nila, may pitong tao ka raw na kamukha sa mundong 'to." lumingon ako sa kaniya. "Sino kaya kamukha ko 'no?" natatawang sabi ko.




"Si kuya Rj."




Kumunot ang noo ko. "Ha?"




"Kamukha mo siya. I mean, magka hawig kayo." inosente na sabi niya.




Napatayo ako sa pagkakaupo ko sa higaan niya. "Saan banda?"




Grabe naman, masyadong gwapo si Rj, samantalang ako, mukhang patatas!




"I'm just kidding!" humalakhak siya.




Tsk! Akala ko naman totoo na!




Kinabukasan, may practice na naman kami para sa sayaw namin.




"Nietta," rinig ko na tawag ni Kendmar sa kaniya.




Napalingon ako sa kanilang dalawa na masayang nag uusap. Hinanap ng mga mata ko si Marou pero wala akong nakitang Marou.




Naalala ko nung nag general clining kami, nalaglag si Nietta sa upuan tapos nasalo siya ni Kendmar. Halata kay Marou na nagselos siya.




"Huy!"




"Ay palaka!" inangat ko ang ulo ko. "Ano ba, Rj! Bakit ka ba nanggugulat!"




"Sino hinahanap mo?" tanong niya habang paupo sa tabi ko.




"Si Marou."




"Ouch.." emosyonal siyang humawak sa dibdib niya. "Akala ko ako, tss."




Natawa ako sa kaniya. "Baliw.." palagi naman kita hinahanap. Hinampas ko pa siya nang mahina.




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon