CHAPTER 22

28 1 1
                                    

Habang naghihintay kaming magtotropa na makumpleto, biglang dumating si Marou at medyo nagdadabog pa siya.




"Oh, ba't salubong ang kilay mo?" napatingin ako kay Rj na ngayon ay nakakunot na ang noo at nagkatinginan kami.




Mukhang badtrip na badtrip ngayon si Marou. Bihira lang namin siya makita na magdabog ha.




"May lalake kasi akong nakasalubong kanina! Kung laitin ako akala mo naman sobrang gwapo. Mukha nga siyang tuko." inis na inis na sabi ni Marou.




Natawa na lang ako at napailing. Matapos namin pagkaguluhan ang sinasabi ni Marou, nagulat na lang kami na may balita si Zha na may transferee raw at dito sa section namin mapupunta.




Si Marou naman, ayun bwisit na bwisit pa rin. Hindi siya maka get over sa nakasalubong niya raw kanina. Inis na inis din siya dahil sa paningin namin ay gwapo talaga iyong nakabunggo niya.




Bago pa dumating si ma'am, lumipat-lipat kami ng upuan. Tumabi muna na si Thea kay Marou at syempre tatabi ako kay Thea at sa tabi ko ay si Zha. Habang ang mga boys ay nasa likod namin, pinag gigitnaan si Nietta. Bale, bakante ang upuan sa harap ni Marou.




Nang dumating na ang teacher namin, sinabi niya na may bago kaming kaklase.




"Thea.." napahawak ako sa braso ni Thea at napaupo ako nang maayos nang makita ko kung sino ang bago naming kaklase.




"'Yan 'yung sinasabi kanina ni Marou, 'diba." sabi ni Zha sa tabi ko. "Ay, 'yan ba 'yon?" tanong niya.




Napalingon ako sa likod dahil naririnig ko ang boses ni Rj at tinatawag niya si Marou. Si Marou ay nakayuko lang at busy sa pagbabasa. Nairita pa siya sa kalabit ni Rj sa kaniya.




"Oo, siya 'yun.." mariin na bulong ko kay Zha.




Ako ang kinakabahan para kay Marou! Panigurado ako na araw-araw na siya maiinis at maiirita dahil sa lalakeng 'yon na ang pangalan pala ay Kendmar.




Nakita ko si Thea na may binulong kay Marou. Hindi ko na maipinta ang istura ngayon ni Marou sa pagkagulat.




"Tadhana nga naman.." mahina na sabi ni Zha sa gilid ko.




Hindi ko alam pero parang gusto ko na lang asarin si Marou buong araw dahil sa harapan niya pa talaga umupo 'yung Kendmar na 'yon. At 'yung Kendmar naman ay halatang iniinis siya.




"Kasi naman!" iritang-irita na sabi ni Marou. "Dapat pala hindi na kayo umalis sa upuan niyo kanina, Liya." kulang na lang ay iumpog niya na ang ulo niya sa lamesa dahil sa sobrang inis.




"'Wag mo naman sila sisihin," mapang asar na sabi ni Rj kay Marou. Hinampas ko tuloy 'yung lap niya.




Pagkahampas ko ay bigla niya na lang ito hinawakan. Sa tuwing hinahawakan niya talaga ang kamay ko ay kumakalma ako.




Nandito kami sa canteen at iniintay na lang namin sina Lou na matapos sa binibili nilang pagkain.




Umupo si Nietta sa tabi ni Marou. Ewan ko kung saan siya galing dahil namumula siya ngayon at mukhang kakatapos lang kiligin. "Marou, maging nice ka kay Kendmar ha--"




"NO!" napatalon si Nietta sa sigaw ni Marou.




"Liya.." nagtaasan ang balahibo ko nang bumulong si Rj sa tenga ko. Hindi ko na tuloy nasundan ang pag aalburoto ni Marou. "Gusto ko na magpakilala sa parents mo.."




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon