"Eh paano kung ayaw ko?" sagot ko sa kaniya.
Tinaasan niya ako ng isang kilay sabay tawa.
"Joke lang! Binibiro lang kita." tawang tawa siya. "Friends lang muna tayo."
Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kaniya o matutuwa sa offer niya?!
"Okay."
Pagkauwi ko sa bahay si Greigh kaagad ang nakasalubong ko. Nakaupo siya sa sofa at nanonood ng teleserye.
"Bakit ngayon ka lang?" mataray na sabi niya at kunot noo na nakatingin sa wall clock. Mag aalas-kwatro na.
"May ginawa lang kami." ngumiti ako sa kaniya, hindi labas ngipin.
"Lagot ka kay papa! hindi ka nagpaalam." nakangising sabi niya at saka pinatay ang TV.
Hays, eto na naman tayo. Lahat ng ginagawa ko dapat iniinform ko sila kasi kung hindi palagi ako pagagalitan. Ang malala pa, hindi ako papayagan lumabas.
Nakangisi siya habang umiiling-iling na parang sobrang dismayado na pag uwi ko.
Kinausap ko si papa sa telepono pero hindi naman siya nagalit, sinabihan niya pa nga raw si Greigh na tirhan ako ng pananghalian.
"Hindi na po, kumain na po ako kanina." binaba na ni papa ang linya ng telepono pagkatapos namin mag usap. Hindi naman ako gutom.
Inutusan niya pa ako na labhan ang bedsheet nila ni mama. Tamang-tama, isasabay ko na rin sa labahan 'yung polo ni Rj.
Nagbihis agad ako ng pambahay at dumiretso sa garage para maglaba. Nagpatugtog lang ako habang naglalaba.
"Now watch me whip, watch me nae nae." pagsabay ko sa kanta. Kulang na lang ay sumayaw na rin ako.
"Hoy!" napatalon ako sa gulat sa sigaw ni Greigh. Pinatay ko kaagad ang music sa phone ko. "Labhan mo rin 'to!" binato niya sa sahig 'yung bedsheet niya.
"Kapapalit mo lang 'diba?" kunot noo na tanong ko habang may hawak na hanger sa kanang kamay. Nagpalit siya ng bedsheet nung isang araw lang, dapat three days bago magpalit ulit.
"Ayoko na niyan, ang dumi eh." nakakrus ang braso niya.
"Sa susunod ko na lalabhan--"
"No! Ngayon na! Kapag hindi mo 'yan ginawa, isusumbong kita kay papa!" sigaw niya at nanlalaki ang mga mata.
Anak ng!! Tumingin ako sa bedsheet nila mama na nakasampay na. Tapos na ako maglaba e! Mga punda na lang ang isasampay ko.
"Hindi ko na 'yan malalabhan, tapos na ako maglaba sorry." walang gana na sabi ko at dumampot ng isang punda na isasampay ko sa hanger.
Sayang ang sabon at tubig kung maglalaba na naman ako. Bakit kasi ngayon niya lang binigay kung kailan tapos na ako maglaba. Masyado atang late magproseso ang utak nitong half-sister ko. Jusme.
Lumingon ako kay Greigh dahil hindi siya umangal. Pagkalingon ko, nakaangat ang ulo niya at kunot noo na nakatingin sa polo ni Rj na nakasampay sa tabi ng bedsheet nina mama.
Agad akong nataranta. Nabitawan ko 'yung hanger na hawak ko at lumapit sa polo ni Rj para kunin 'yon pero naunahan ako ni Greigh.
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...