CHAPTER 42

25 5 0
                                    

"G-greigh.. a-anong sinasabi m-mo?" nagugulahan ako sa kaniya.




Bakit niya 'to ginagawa? Anong meron? Bakit pati siya humahadlang na sa'min ni Rj? Okay pa siya sa'min dati ah? Tapos ngayon sasabihin niya sa'kin na layuan ko si Rj? Bakit?!




"Please.." may tumulo na na luha sa mata niya na mas ikinagulat ko. "L-lumayo ka n-na sa k-kaniya.." her voice broked.




"P-pero.. b-bakit?" umiling ako. "Na-turn off ka ba sa kaniya? Na offend ka ba niya? May nagawa ba siya rito sa bahay na hindi mo nagustuhan? Sabihin mo sa'kin, Greigh, bakit?! BAKIT PATI IKAW?!"




Nabigla ako nang humagulhol na siya. Napalingon ako sa pintuan ng kwarto niya na nakabukas pa rin. Nakita ko si Marou na sumilip saglit dahil siguro sa hagulhol na narinig niya.




Medyo malayo kami ni Greigh sa pintuan, kaya nagkusang loob na si Marou na isara ang pinto. Ngumiti pa siya sa'kin at tinignan saglit si Greigh na umiiyak ngayon bago niya tuluyang sinara ang pinto.




Binalik ko ang tingin ko kay Greigh. Nakaupo na siya ngayon sa sahig sa kakaiyak niya.




Lumuhod ako para mapantayan siya at niyakap ko na siya. Kahit hindi ko siya maintindihan, niyakap ko pa rin siya.




"L-liya.. p-please.." bulong niya sa'kin.




"W-why?" kahit ako ay umiiyak na.




Hindi ko matanggap na nagkakaganito si Greigh. Hindi ko alam ang rason niya. Hindi ko alam at wala akong ideya.




"J-just do it!" inis na sabi niya sa'kin dahilan para kumalas ako sa yakap ko sa kaniya.



"Greigh," napalunok ako. Nahihirapan ako na makita siyang umiiyak. "Mag p-pahinga ka na.. m-mukhang pagod ka lang."



Tatayo na sana ako nang bigla niya akong hinila pabalik at agad niyakap.




"I'm s-sorry.." she cried on my shoulders. "I.. don't w-want to s-say those to y-you but.. I n-need to." humagulhol na naman siya.




Nanahimik ako at hinayaan lang siya umiyak.




"Bakit ba kasi, Greigh?" tuloy-tuloy na ang daloy ng luha ko.




Tinitigan niya lang ako. Punong-puno ng luha ang mga mata niya. Para itong nangungusap.




"N-nothing.." mapait siyang ngumiti sa'kin. Para siyang baliw na umiiyak habang nakangiti.



Mas lalo akong naguluhan ngayon.




"G-gusto ko na ma-matulog.." sabi niya sabay tayo at higa sa kama niya. "You can go now.." pagod na sabi niya habang nakataklob na sa katawan niya ang kumot niya.




Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi ko.




"Mag uusap tayo bukas, Greigh." sabi ko bago ako tuluyang lumabas sa kwarto niya.




Nadatnan ko sina Marou, Nietta, Zha, Paul, Junjun, Lou, Xander, Kendmar at Rj na mga tahimik na nakaupo sa sofa. Lahat sila ay nakatingin sa'kin. Halatang inaabangan nila ako lumabas.




Wala rin dito sa loob 'yung iba naming kaklase, lahat nasa garage. Si Thea ay kanina pa nakauwi.




"T-tara na.." pagyaya ko sa kanila at aambang lalabas na ako papunta sa garage pero tinawag ako ni Marou.




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon