March.
Oo, march na agad ngayon.
At hanggang ngayon, hindi pa rin ako kinakausap ni Rj. Ni-hindi ko nga alam kung binuksan niya ba 'yung regalo ko sa kaniya nung pasko e.
"Naks, with honors na naman ang bestfriend ko!" proud na sabi ni Nietta habang niyuyugyog si Marou.
"With honors ang bebe ko," biglang inakbayan ni Kendmar si Marou.
"Sana all with honors." comment ni Thea.
"Sana all pinapansin na." malungkot na sabi ko.
Medyo okay naman na ako ngayon. Limang buwan na rin kaya ganoon, sanay na ako na hindi ako pinapansin ni Rj. Medyo nakakalimutan ko na rin siya. Pero hindi pa rin maalis sa'kin na magselos tuwing magkasama sila ni Alliyah.
"Aww, okay lang 'yan Liya, nandito pa naman si Junjun." mapang asar na sabi ni Paul.
"Lul, may hinihintay ako." seryoso na sabi ni Junjun.
Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya. "Woah, woah! At sino naman ang maswerte na babaeng 'yan?" sabi ni Lou kay Junjun.
Tumawa lang si Junjun. Napatingin ako kay Rj na nakatingin kay Junjun na tumatawa. Siguro naman, na-mi-miss niya na rin ang long time friends niya na sina Paul.
"'Wag mo na titigan.." bulong ni Xander sa tabi ko. "Masasaktan ka lang."
"H-ha?" tumingin ako saglit sa kaniya at umiwas din ng tingin. "Okay naman na ako."
Syempre hindi totoo 'yan. Ayoko lang na sabihin na hindi pa ako okay. Ang OA ko na nun sa paningin nila dahil 5 months na ang nakalipas tapos magdadrama pa rin ako.
"It's okay not to be okay."
Sa huling salita na sinabi ni Xander para akong nakukunsensya dahil nagsisinungaling ako sa kanila. Hindi naman masama na sarilihin ko na lang ang tunay kong nararamdaman diba?
Vacation. Eto na naman ako, sa kwarto na naman ako magbabakasyon.
Good thing, hindi na ako mag isa na nagbabakasyon dito sa kwarto ko. Sinasamahan kasi ako ni Greigh hehehe. So dalawa na kami na nagbabakasyon dito sa loob ng room ko.
"Hay sa wakas!" masigla na sabi ko. "Bakasyon na!" ngayon lang yata ako natuwa sa bakasyon.
Dati kasi ay hindi ako natutuwa dahil hindi ko na makikita si Rj araw-araw.
Pero ngayon, iba na. Mas gusto ko na magbakasyon ngayon. Mas gusto ko na ang hindi siya makita araw-araw. Ang makita siya na palaging kasama si Alliyah. Sabay sila umuwi, sabay rin pumasok.
Ang sakit sa mata.
"Liya!! I bought you some flowers!" lumundag si Greigh sa kama ko.
May hawak nga siya na flowers. "Para saan 'yan?"
"For you, idiot." umirap siya.
"Bakit mo naman ako bibigyan nito?" lumapit ako sa kaniya at kinuha ang pulang rosas.
"E, alam ko kasi na wala nang nagbibigay sa'yo niyan ngayon e." inosente na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...