CHAPTER 38

24 2 3
                                    

"Ano po 'yon, ma?"




Nandito ako sa kwarto niya ngayon, gusto pa sana makisali ni Greigh pero hindi siya pinayagan ni mama. Pinagligpit na lang siya nung mga biniling school supplies.




Bukas pa kasi papasok si Greigh. Absent siya ngayong monday, ayaw niya raw kasi pumasok.




"Tungkol kay Rj.."




"Rj na naman, ma? Ma, hindi ko pa siya lalayuan kahit anong sabihin niyo sa'kin." pinangunahan ko na siya. "Sorry po pero.. hindi ko kaya.."




Hindi ko talaga kaya. Hindi ako lalayo kay Rj.




Kung lalayo man ako sa kaniya, gusto ko ay kay Rj mismo manggaling na layuan ko na siya.




Napayuko na lang ako, iniintay na sigawan ako ni mama.




Pero hindi.




Huminga lang siya nang malalim.




"Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa'yo.." bulong niya sa sarili niya pero sapat na para marinig ko.




Kumunot ang noo ko. "Ang alin po?"




Umiling lang siya. "Liya.. makinig kang mabuti sa'kin." matalim niya akong tinignan. "Kapag may.." huminga siya nang malalim. Parang hirap na hirap siya sabihin 'yung dapat niyang sabihin.




"..may lalake'ng nagpakilala sa'yo at sinabing.." pumikit siya nang mariin dahilan para kumunot ang noo ko. "..siya ang ama mo, huwag kang maniniwala."




Natigilan ako.




Aligaga si mama at halatang hindi alam kung ano ang gagawin niya.




Naalala ko tuloy 'yung sinabi sa'kin ni Griegh kanina bago ako pumasok dito sa kwarto.. 'she looks afraid'




"Bakit ma.. nagpakita na ba si p-papa sa'yo-- ang ibig kong sabihin ay 'yung tunay kong tatay?"




Kinakabahan ako. Hindi siya sumasagot.




"Basta makinig ka na lang sa'kin kung ayaw mong masaktan." Napaatras ako sa banta ni mama.




Naguguluhan ako bigla.




Hanggang sa may pumasok na lang sa utak ko na mas nagpagulo pa sa'kin.




"Ano kinalaman ni Rj don, ma?" halatang nagulat siya sa tanong ko. "'Diba sabi mo kanina tungkol kay Rj 'yung pag uusapan natin?"




Ngayon ay nanlalaki na ang mga mata ni mama.




"Wala." umiwas siya ng tingin. "N-nagkamali lang ako kanina--"




"May tinatago ka, ma."




Natahimik na naman siya. Tumalikod na siya sa'kin ngayon.




"Ma, ano meron kay Rj?" tumataas na ang boses ko.




Nagulat ako nang humarap sa'kin si mama na may ngiti sa labi.




"Wala nga, Liya.." natakot ako sa biglang pagbago ng ekspresyon ng mukha niya.




Kung kanina ay parang natatakot siya, ngayon ay parang ang saya-saya niya na.




"Sige na, pwede ka na lumabas.. tawagin mo si Greigh, siya naman ang kakausapin ko."



Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon