CHAPTER 8

24 1 0
                                    

RJ's POV


"Hindi. Tara na." sinuksok ko na lang 'yung kamay ko sa bulsa ng pants ko dahil hindi niya inaalis ang tingin niya sa kamay ko.




"Uhm, mag tricycle na kaya tayo?" alinlangan na suggest sa'kin ni Liya.




Napansin ko sa kaniya na parang hindi siya komportable kasama ako o nahihiya lang siya magsalita?




Baka, both.




"Sayang sa pamasahe." sagot ko na lang. "Tyaka hindi naman matingkad ang init at hindi rin ako nagmamadali umuwi."




Kung magta-tricycle kami, edi napabilis kami sa pag uwi. Gusto ko pa siya masakama ng matagal sa paglakad 'no!




Dapat kasi tatabi ako sa kaniya kanina habang nagsusulat ako pero naunahan ako ni Paul, amp!




Napatingin ako sa kaniya na diretsyong nakatingin sa daan at tumatango-tango. Mukha siyang napilitan lang.




"Pero kung ayaw mo maglakad, okay lang, pwede ka na mauna." nagtatampo na sabi ko.




Napapikit ako bigla, amp! Bobo ka Rj! Dapat hindi mo na sinabi 'yon!




Mabuti na lang at wala siyang reklamo. At nagpasalamat pa nga. Natawa na lang ako sa kaniya.




"May nakakatawa ba?" tanong niya habang inaayos ang buhok niya na hinahangin.




Mas lalo siyang gumaganda kapag mas matagal siya kasama.




Biniro ko na lang siya na liligawan ko siya pero nagsisimula na maging seryoso ang itsura niya, medyo nakakatakot.




"Joke lang! Binibiro lang kita." tumawa ako nang malakas. "Friends lang muna tayo."




Mas okay na 'yung friends muna!




Makalipas ang isang araw, binalik na sa'kin ni Liya 'yung polo ko. Mukha pa nga siyang badtrip e.




"Paul, doon tayo upo." pagyaya ko sa kaniya sabay turo sa likod ng upuan nila Liya.




"Bakit?" kunot noo na sabi niya.




"Ano..kasi.." napatingin ako sa ceiling at sakto naman na may electric fan na nakatapat sa upuan nina Liya. "Init kasi rito, pre!" kinuha ko pa ang notebook ko at pinang-paypay ko. "Panget mo pumili ng mauupuan!" reklamo ko sa kaniya.




Kahit ang totoo, gusto ko lang talaga na malapit ako kay Liya.




"Anong ako?! Si ma'am pumili nito!" sagot niya.




Kahit kailan talaga hindi magpapatalo 'tong si Paul. Basta alam niyang nasa tama siya, sasagot-sagutin ka niya.




"Ingay niyo." sabi ni Junjun na wala sa mood.




Nagsimula na ako maglakad palapit sa upuan nila bibit ang bag ko. Nagdalawang isip pa ako kung sa likod ba ako ni Liya o ni Thea?




Kapag sa likod ako ni Liya, literal na likod niya lang ang makikita ko. Pero kapag sa likod ako ni Thea umupo, makikita po pa nang kaunti ang mukha ni Liya hehe.




"Bakit kayo nandiyan?" napalingon si Thea sa'min nang gumawa ng ingay ang upuan namin.




Umupo na ako at nakita ko sa peripheral vision ko na lumingon din si Liya. Ha! Sabi ko na lilingon siya e haha!




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon