CHAPTER 5

24 0 0
                                    

"Eto na polo mo," inabot ko kay Rj 'yung polo niya.




"Uy" ngumiti siya sabay tingin sa kamay ko na hawak ang polo niya. "Salamat." ngiting-ngiti na sabi niya atsaka kinuha ang polo niya sa kamay ko.




Tumalikod agad ako. Ayaw ko na maging malapit sa kaniya. Baka matapunan ko na naman ng kung ano e.




"Liya, you okay?" tanong sa'kin ni Thea habang nakapangalumbaba




"Oo naman." ngumiti ako sa kaniya.




Sa totoo lang, ayoko na makita ako ng mga kaibigan ko na malungkot. Alam ko kasi na malulungkot din sila.




Hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa ni Greigh kahapon at lalo na sa sigaw ni papa sa'kin.




Ligaya nga ang pangalan ko pero parang hindi ko naman maramdaman ang tunay na kaligayahan sa buhay ko.




"Bakit kayo nandiyan?" napalingon ako kay Thea sa sinabi niya. Nakatingin siya sa likod namin.




Napatingin din ako at biglang kumalabog ang puso ko nang saktong umupo si Rj sa likod ni Thea at nagtama ang mga mata namin. Ngingiti pa sana siya pero iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya at tumingin na lang kay Junjun.





"Dito na kami uupo." sabi ni Junjun habang nakatayo sa upuan at bibit ng kanang kamay niya ang kulay itim na bag na parang wala namang laman.




"Huwag ka umapak diyan." hinampas ni Rj ang binti ni Junjun. "Eto kasi may daanan oh!" gigil na sabi niya.




Si Paul naman nakaupo na pero nakataas naman ang isang paa. Umupo na rin si Junjun pero kahit sa pag upo niya, ang ligalig niya pa rin. Si Rj lang ang nakikita ko na matino umupo at... puro games sa cellphone ang inaatupag.




"Hi, Xander!" bibo na sabi ni Paul kay Xander na katabi ni Thea. Napag gigitnaan namin ni Xander si Thea.




Pinatong pa ni Paul ang braso niya sa sandalan ni Xander pero agad iniwas ni Xander ang likod niya. Siya 'yung tipo na ayaw makihalubilo sa iba.




Mabilis lang natapos ang klase namin. Hindi na rin pinansin pa ng teachers namin ang seating arrangement na ginawa nila dahil kahit may arrangement, nagtatabi-tabi pa rin ang mga magkakaibigan.




"Uy Liya, sabay tayo!" napalingon ako sa sumigaw.




Si Rj.




Nakatinginan kami ni Thea, aasarin niya pa sana ako habang malayo pa samin si Rj pero tinawag na kaagad siya ng kuya niya kaya umuwi na sila.




Pinanood ko lang si Thea na umalis. Hanggang sa nakalapit na sa'kin si Rj. Hindi ako lumilingon sa kaniya dahil naririnig ko ang tibok ng puso ko.




"Tara na." masigla na sabi niya at pinunasan ang pawis na tumutulo sa noo niya.




"Saan?"




"Ha?" kumunot ang noo niya. Napalingon ako sa kaniya. "Uuwi na?" sabi niya at hindi maalis sq mukha niya ang pagkunot ng noo niya.




"Ay! Oo nga.." nahihiya na sabi ko at umiwas ng tingin. "Oo nga pala! May pupuntahan pa ako." pagsisinungaling ko.




"Saan?" sabi niya pa pero nag umpisa na ako maglakad. "Sama ako." napahinto ako sa paglakad sa sinabi niya.




"A-ay! Nako! Hindi na!" umatras ako habang wini-wave ang kamay ko. "N-nagmamadali na ako, babye!"




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon