CHAPTER 29

26 2 0
                                    

Weeks passed. Naging maayos na ang lahat. Okay na rin si Xander.




Si mama lang ang hindi okay.




Akala ko okay na siya matapos niya ako sigawan nun dahil kay Rj. Ang mga sumunod na araw kasi non, hindi niya na ako kinausap pa tungkol doon.



Tapos ngayon, eto na naman siya.




"Nagdididikit ka pa rin ba sa Rj na 'yon?" masungit na tanong sa'kin ni mama. This time, nakikinig na si Greigh at papa.




Hindi na lang ako umimik. Nandito kami sa hapag kainan kaya ayoko magsimula ng away. Nakakabastos.




"Bakit ba kasi, ma?" hindi ko na naiwasan ang pagkairita.




Oo, nanay ko siya pero hindi ko siya maintindihan.




"He's not good for you." sabi ni mama.




"Mom.." saway ni Greigh kay mama.




"Huwag ka na makisali, Greigh." matigas na sabi ni mama kay Greigh.




Napayuko na lang tuloy si Greigh at pasulyap-sulyap sa'kin.




Nakikita ko na naaawa siya sa'kin. Dapat ba akong kaawaan dahil sa ginagawa ni mama? Siguro ay, oo.




"Sino ba ang Rj na 'yon? Liya?" si papa naman ngayon. "Bakit ayaw ng mommy mo sa kaniya?"




Kahit pala si papa ay walang alam sa ka-weirduhan ni mama.




"Hindi ko rin po alam." sagot ko habang nakatingin sa plato ko.




"Kapag nakita pa ulit kita na kasama niya, ililipat na kita ng school."




"MA!" napatayo ako. "Ano bang problema kay Rj?! He's my.." love. "My friend! My good friend! We're good friends since first year!"




Naiinis ako. Naiinis ako!




"Ligaya. 'Wag mo pinagtataasan ng boses ang mama mo!" pinapagalitan na ako ngayon ni papa.




Hindi ko na napigilan at umalis na ako sa kusina. Hindi ko na kaya kung itutuloy ko pa ang pagkain ko sa harap nila mama. Masyado na akong bastos.




"Oh," humarap ako sa kanila dahil may nakalimutan ako sabihin. "Hindi ko po siya lalayuan. I love him."




Kaya ko 'to. Mapapanindigan ko 'to.




"LIGAYA! ARE YOU OUT OF YOUR MIND?!" tumayo si mama at lumapit sa'kin. "What do you know about love, huh?!"




"Marami po." sabi ko sabay talikod at dire-diretsyo na pumasok sa kwarto ko.




Narinig ko pa na may sinasabi si mama pero pinipigilan na siya ni Greigh. Si papa naman ay sinasaway si Greigh na huwag na makisali sa'min ni mama.




Sinubsob ko ang mukha ko sa unan ko. Nakakapagod. Nakakaiyak. Ang sakit. Hindi ko na alam ang gagawin ko.




Walang kaalam-alam si Rj sa nangyayare sa'kin. Ni hindi ko nababanggit sa kaniya na ganito ang relasyon ko sa sarili kong nanay..




Ayoko kasi na mag isip siya ng hindi maganda kay mama. Ayoko naman ng ganoon, nanay ko pa rin 'yon.




Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Panay ang punas ko sa mata ko pero ayaw tumigil ng luha ko sa pagbagsak.





Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon