CHAPTER 50

40 4 5
                                    

"Ouch!" react ko nang may nakaapak sa paa ko! Nakatalikod sa'kin 'yung nakaapak! Paatras ba naman kung maglakad!




Nagulat ako nung lumingon siya sa'kin. Walang reaksyon, at parang hindi nagulat sa presensya ko.




"Sorry." malamig na sabi ni Rj.




Nakatingin lang ako sa kaniya, hindi ko na maramdaman 'yung sakit ng pagkakaapak niya. Mas ramdam ko pa 'yung sakit ng kahapon.




Kung tignan niya ako parang hindi niya ako kilala.




Parang hindi niya ako niligawan.




Parang normal lang na kaklase niya.




At parang..




Hindi niya ako minahal.




Tsk. Haha! Kapatid niya nga pala ako.




Isang taon. Isang taon na ang nakalipas simula nang mangyare ang lahat nang iyon. Simula nang malaman ko ang totoo.




"Huy! Picture na, Liya! Nakatunganga ka pa diyan!" saway ni Nietta sa'kin dahilan para mapaayos ako.




Napatingin ako kay Tito Raymond, este sa tatay ko na nakatingin lang sa'kin ngayon. Matapos nung nangyare, hindi ko na sila nilapitan. Ayoko magkaroon ng komunikasyon sa kanila. Hindi ko pa rin matanggap.




Pero alam ko darating ang panahon na makaka move on na ako nang tuluyan. Siguro sadyang nasaktan lang ako nang sobra dahil nalaman ko na nililigawan na ni Rj si Alliyah.




Ang awkward man tignan pero nagseselos ako. Wala akong mapag sabihan. Kahit kay Thea hindi ko masabi ang saloobin ko, ang weird naman kasi na dahil alam na nila na magkapatid kami ni Rj.




*flashback*


"Oh shit!" napasabunot si Paul sa buhok niya habang humahagulhol ako.




"What the f*ck?!" lutong na mura ni Xander.




Kung ano-anong reaksyon ang naririnig ko mula sa kanila. Ang nakakainis pa, recognition ngayon nila Marou at heto ako, umiiyak.




Hindi ba dapat masaya ako ngayon dahil may award na naman si Marou at Kendmar? Masaya naman ako nug recognition nila last year e? Pero bakit ngayon ganito na.




"Omyghad.." tulala na sabi ni Thea.




"Ehem! K-kailan mo pa nalaman, Liya?" tanong sa'kin ni Nietta habang nakatitig sa'kin nang husto.




"L-last week." nanghihina na naman ako. Hindi ko na kaya itago pa sa kanila ang dinadamdam ko. Ang hirap.




Naipon na lahat e. Ngayon ko lang nailabas. Natapon pa ni Junjun 'yung gulaman na binili niya nang maabutan niya ako na humahagulhol dito sa bleachers.




"Hays, doon na tayo sa bahay namin." sabi ni Nietta at hinagod-hagod ang likod ko.




Naramdaman ko na lang na may yumakap sa'kin. "Liya.. hindi ko alam ang sasabihin ko.." si Marou.




Humagulhol lang ako sa balikat niya. Naaaninag ko pa si Kendmar na may nakasabit na medalya sa leeg niya. Mabuti na lang at tapos na ang recognition nila. Nakakahiya lang sa ate Lita na umattend sa recog ni Marou at sa mama ni Kendmar na umuwi na.




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon