Josephine's POV (Liya's mother)
Emalyn.. Emalyn Medina..
Hindi ako pwedeng magkamali.
Siya 'yung babae na 'yon.. pero hindi ako sigurado sa apleyido niya..
Kahit ilang taon na ang nakalipas, hinding-hindi ko makakalimutan ang pangalan niya.
'Yung batang lalake na Rj ang pangalan.. unang kita ko pa lang sa kaniya, nagulat na ako.
May kamukha siya..
"Ma, alis na po kami." narinig ko ang boses ni Liya. Hindi ako lumingon, tumango lang ako.
"Alis na po kami, salamat po." sabi nung Rj.
Napahigpit ang hawak ko sa hose. Hindi ko na namalayan na nalulunod na pala 'yung mga tanim na dinidiligan ko.
Pinagmamasdan ko ang Rj na 'yon kanina habang nasa sala siya. Hindi talaga ako makapaniwala na kamukha niya si..
Umiling ako. Hindi 'to pwede.
Ayokong isipin ang bagay na 'yon pero hindi talaga mawala sa isip ko.
"Mommy," si Greigh.
"Yes, baby?" bumalik ako sa wisyo dahil kay Greigh na nakabihis na ngayon.
"Akala ko po ba aalis na tayo? Bakit ka nagdidilig pa diyan?" inosente na tanong sa'kin ni Greigh.
Napalunok ako. Hindi ako mapakali. Binitawan ko na ang hose at naghugas ng kamay.
Muntik ko na makalimutan na kailangan namin mag grocery ngayon ni Greigh. Nang makasakay na kami sa sasakyan, tahimik lang kami.
Hanggang sa nagtanong siya..
Tanong na ayokong marinig..
"Mom, sino pala 'yung guy kanina?" eto na nga ba ang sinasabi ko. "Friend ni ate Liya?"
"Oo, nak. Why?" tanong ko habang nakatingin sa daan, ako kasi nag ddrive.
"Hmm. He looks so familiar kasi---- mom!" bigla kong nahinto ang sasakyan kahit nasa daan pa kami.
Nanlalamig ang kamay ko sa sinabi ni Greigh. Nakakagulat na pati si Greigh..
"I'm sorry, Greigh. I'm just.. tired." sabi ko na lang at pinaandar na ulit ang sasakyan dahil ang daming bumubusina sa likuran namin.
Ayokong isipin.
Ayoko na isipin 'to! Stress na stress na ako sa trabaho, dadagdag pa 'to!
Alam ko naman na darating talaga ang araw na mag kukrus na ulit ang mga landas namin..
At hindi ko inaasahan na nagsisimula na palang magkrus ulit ang mga landas namin..
Dahil may mga tanong noon na hindi pa rin nasasagot hanggang ngayon..
*end of Josephine's POV (Liya's mother)*
-
Liya's POV
"Hindi ko talaga maintindihan si mama. Ngayon lang siya nagkaganoon." napahilamos ako ng mukha. "I mean, pinapagalitan niya naman ako sa mga pagkakamali ko pero iba 'yung ganito.."
BINABASA MO ANG
Liya Felicity (Highschool Series #2)
Teen FictionRick James Medina has a crush on a girl named Liya. From crush to love, he tried his best to win Liya's heart since they were first year highschool. Will love last forever? Or the love will fade at last. Maging maligaya pa kaya si Liya hanggang sa...