CHAPTER 11

23 1 0
                                    

Makalipas ang linggo, panay ang pag iwas sa'kin ni Rj. Mabuti.




Pero panay rin ang pang aasar nina Junjun sa kanila. Dahilan para maging awkward ang sitwasyon kapag nagkakatabi kami. Noong isang araw nga ay hindi niya namalayan na umupo pala siya sa tabi ko, puro kasi siya daldal kaya hindi niya ako napansin na ako ang matatabihan niya. Ang weird lang kasi bigla na lang siya nag panic noong nakita niya na ako. Ganoon rin noong mga nakalipas na linggo, madalas siya mag panic kapag malapit siya sa'kin pero kapag sa malayo ay madalas ko naman siya mahuli na nakatingin sa'kin.




"Ang bilis naman, mag eexam na agad!" reklamo ni Junjun sa gilid ko.




Oo nga pala, exam na namin next week. Kailangan ko na mag advance review kung ganoon.




"Ganiyan talaga ang buhay pre." sabi ni Paul. "Sa sobrang bilis.. hindi mo namamalayan na may gusto na pala siyang iba..." tumawa nang malakas si Paul nang tingnan siya ni Lou ng masama.




Palagi na rin sumasama sa'min si Lou. Palagi na rin kami ang magkakasama. Nakakailang lang sa iba naming kaklase dahil kaming dalawa lang ni Thea ang babae sa grupong ito.




Pero anong magagawa namin ni Thea? Eh, mas masaya kasama ang mga boys kaysa sa mga girls na ang galing magplastikan. Buti pa ang mga boys, totoo sila, kapag naiinis sila sa'yo ay talagang dederetsyuhin nila sa pagmumukha mo na nakakainis ka. Mumurahin ka pa. Hindi nila tinatago ang galit nila.




Eh ang mga girls? may mapansin lang sila sa'yo na hindi maganda ay pagchichismisan ka na agad. Pag uusapan ka habang nakatalikod ka. Tapos kapag nakaharap ka na ay iba na, akala mo totoong-totoo sila sa'yo.




"Look at her," tinuro ni Thea ang isang babae sa sulok at dulo ng classroom namin. Sabog-sabog ang buhok niya at naka ponytail iyon. Nakajacket pa siya na dirty-white. "Naaawa ako sa kaniya, walang pumapansin sa kaniya rito."




Napalingon din sina Rj sa babaeng sinasabi ni Thea. Bihira lang ito pumasok, pa-absent-absent. Kung hindi absent, late naman.




"Paano siya papansinin? Eh, ma-attitude siya." umirap si Paul ay umiling-iling.




Tama riyan si Paul, mukhang ma-attitude nga ang isang ito. Ay mali, ma-attitude pala talaga dahil sumasagot-sagot siya sa mga teachers namin. Myghad!




Habang tumatagal ang mga estudyante rito sa school ay unti-unti na lumalabas ang mga ugali nila.




Biglang humalakhak si Junjun sa sinabi ni Paul.




"Alam niyo ba," humarap sa'min si Junjun na tumatawa at parang may ikukwento siya. "Kanina, inofferan nito ni Paul 'yung Sebastian na 'yon ng bakanteng upuan pero tinanggihan siya." tumawa na naman si Junjun. Napatingin ako kay Rj na pangiti-ngiti lang. "Nagpapaka-gentleman na nga 'tong gago na 'to tapos nagago rin siya."




Sebastian ang surname nung babae na 'yon. Hindi ko maalala 'yung first name niya basta ang alam ko ay parang 'Nesi' yata? Ay ewan ko.




"Parang tanga." siniko ni Paul si Junjun sa pagkapikon.




"Okay lang naman siguro kung ayaw niya, may karapatan naman siya e..." biglang sabi ni Rj, napatingin ako sa kaniya at nahuli ko siyang nakatingin sa'kin.




Tumaas bigla ang mga balahibo ko sa tingin niya kaya agad akong nag iwas ng tingin. Mabuti na lang at nagsalita si Thea.




"Yah, I agree with you!" pinag snap pa ni Thea ang daliri niya. Lumingon siya kay Paul, "Paul, I think you shouldn't be mad. Baka naman siya ang na-offend sa ginawa mo?"




Liya Felicity (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon